Bumitaw ka na. Patuloy kang masasaktan hangga't lagi kang nakalingon, kumakapit sa iyong nakaraan. Kaysa sa sayangin mo ang pagkakataon sa mga bagay na nakakasakit sa damdamin mo, bakit di mo subukang tingnan ang mga magagandang bagay na naghihintay na mapansin mo? Palayain ang iyong sarili sa mga alaala na humihila sayo pabalik, Ang lahat ng bagay ay mahirap sa simula, subalit makakaya mo. Isang bagong simula na walang nang pait ng nakaraan na nakaharang. Wala nang sakit na humihila, wala nang bangungot sa bawat pagpikit. Ito ay hindi isang pagtakas na tanda ng kahinaan. Ito ay isang pagtanggap na ang nakaraan ay isang bahagi ng kahapon, at kailangan mo nang harapin ang ngayon. Imulat mo ang iyong mga mata. Kakayanin mo ito... Ang bagong kabanata ay magsisimula, sa oras ng pagbitaw mo.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Minsan ang hirap lang bumitaw mam ang hirap mag let go...