Ang gulo" 'Di ko na maintindihan" Gusto ko nang sumuko" Ayoko na" Pagod na ako".. Ang mga katagang ito ang pilit at paulit-ulit Nating naririnig sa ating isipan, Pag-aalinlangan sa puso natin Na hindi kayang pagkatiwalaan Ngunit kung iyong titignan ang buhay Ay isang misteryo, na hindi mawawakasan Ng pag aalinlangan at kawalan ng tiwala sa sarili Bawat umaga na iyong nasisilayan, Salamat. Meron ulit panibagong pag-asa, upang ma i-tama Ang mali sa kahapon, lumaban para sa ngayon, At higit sa lahat maging matapang ulit, Sa bawat hakbang ng panahon". Salita at litrato : Margot
No comments yet