Sinabi ko na tapos na, na wala na akong nararamdaman sa 'yo, at na hindi na kita gusto. Sinabi ko 'yon para isipin mo at ng ibang tao sa paligid natin na ayos na ako at hindi na ako nasasaktan. Pero hindi… kabaliktaran no'n lahat ng nararamdaman ko. Palagi akong natutulala at napapaiyak dahil ang daming masasakit na bagay ang tumatakbo sa isipan ko dahil ang totoo… hindi pa ako handang wakasan kung ano 'yong nararamdaman ko para sa 'yo. Nasasaktan ako kasi nakikita kong masaya ka sa kaniya, nasasaktan ako kasi nagkakasundo kayong dalawa, nasasaktan ako kasi hindi ko nakita 'yong mga ibinibigay mong ngiti sa kaniya ngayon no'ng tayo pang dalawa. Alam ko naman na kailangan ko nang umusad, pero pwede bang hayaan mo muna akong masaktan habang pinapanood ko kayong dalawa? Baka kasi sa pamamagitan no'n, makalimutan na kita. words from talinhaga
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet