read.cash Log in
@calvy28 more from that month

Sa isang relasyon, kailanma'y hindi kailangan ng manipulasyon. Nando'n na tayo sa parteng nakakatakot kasing masaktan at maiwan ulit, ngunit kailanma'y hindi naging sagot ang pagmamanipula sa isang tao. Ang katapatan ay ang bagay na hindi mo maipipilit sa isang tao, lahat tayo'y may karapatang maglihim para sa mabuti't masama man. Ang isang bagay na dapat mong ipunin bago pumasok sa isang relasyon ay ang tiwala, kilalanin mo ang isang tao at tanggapin mo kung ano man siya bago ka pa man dumating sa buhay niya. Iparamdam mo sa kaniya na tanggap mo kung ano man siya ngayon at kung ano man ang nakaraan niya, ipakita mong kuntento ka at ang pagmamahal mo'y habambuhay na. Pinapangako ko sa'yo, kung tamang tao 'yan ay papahalagahan niya lahat ng bagay na ginagawa mo, at mararamdaman mo ang katapatan nang hindi ginagamitan ng pagmamanipula.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.