Hayaan mo siyang dumating. Hayaan mong dumating 'yung taong hindi na magiging dahilan kung bakit hindi ka naman makatulog sa gabi. 'Yung taong kahit malayo ay para pa rin nasa iyong tabi. At kapag iyong kasama ay parang ligtas ka parati. Hayaan mong dumating 'yung taong handang pakinggan ang mga gumugulo sa iyo hanggang sa hindi mo na ito naiisip. At handa kang patahanin pagkatapos mong hindi kayanin ang mga dinadala mong sakit. Hayaan mong matagpuan ka ng taong hindi ka lang mamahalin dahil sa mga kaya mong ibigay, sa mga nagawa mong marating, at sa mga kaya mong gawin— Sa halip ay nariyan pa rin at handang intindihin kung bakit pagod ka, kung bakit ka nasasaktan, at kung bakit ka nawawalan ng ganang lumaban. Magawa ninyo sanang magkita sa tamang panahon, ng taong hindi na dadagdag sa listahan ng mga nanakit o nananakit sa iyo. Sa halip ay handa kang kampihan sa mga darating na laban sa pagitan mo at ng mundo.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Oo mam hang ngayon waiting pa rin ako. Baka natrapik lang siya✌😁