read.cash Log in
@calvy28 more from that month

Huling tula, Huling salita, Tatapusin na, Wawakasan na. Sa hinaba-haba nang nilakbay habang magkahawak-kamay ito na ang huling hakbang ito na ang unang paalam. Sa nilayo-layo ng narating habang sa mga mata mo nakatingin, ito na ang huling sulyap, ito na ang huling pagkislap. Iuuwi ko na ang buwan, lilikumin ko na ang mga tala, hindi na sila kikislap, hindi na kailanman. Ikaw ang kalawakan, ikaw ang bukas pero mas pinili mong lumisan iniwan akong nagtatanong ng dahilan. "Ayoko na", tanging sambit, at ngayon ako naman "Ayoko na rin". Tapos na ang tula hindi na tayo ang paksa ng ating mga katha. Tapos na. Paalam. -L ctto: just poetry and arts

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.