Ako 'yung taong palaging iniintindi ang lahat, ako 'yung taong maari mong sabihing immune na sa sakit, ako 'yung taong ayaw na makikitang nahihirapan at nasasaktan lahat ng mga mahalaga sa buhay ako, ako 'yung taong madalas tanungan kung paano maging maayos ang isang bagay, kung paano ngumiti sa likod ng problema. Sa likod nitong mga katangiang ito, ako ito-- ang tunay na ako, na sobrang nasasaktan sa halos lahat ng bagay, na sobrang naaapektuhan sa maski napakaliit na pagbabago o pangyayari, na sa likod ng kung paano ko gustong pagaanin ang lahat ay mayroong luha na nagpupumilit lumabas sa mga mata ko, ako ito na gustong sabihing tao rin ako at may puso, ako ito na gusto ring makarinig ng mga salita katulad ng "okay lang 'yan, nandito ako para sa'yo" dahil sawang-sawa na ako sa "kaya mo yan, ikaw pa ba?" Napakahirap umiyak sa likod ng iyong mga ngiti, nakakapagod lokohin na okay sa'yo ang lahat mapagaan lang ang loob ng tao sa paligid mo. Kailanma'y hindi na naging pagpililian sa akin ang bigla na lang mawala sa mundo, ang tanging bagay na lang ay kung gaano kalakas ang tulak na magtutungo sa akin sa daan patungo doon.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet