read.cash Log in
@calvy28 more from that month

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang Taal Volcano Network ng 252 na volcanic earthquakes kabilang ang 17 na volcanic tremors na tumagal nang isa hanggang apat na minuto at limang hybrid events ayon sa pinakabagong datos ng Phivolcs ngayong Lunes, Marso 15. Katamtamang pagsingaw naman na may taas na sampung (10) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater. Nagkaroon din ng upwelling ng mainit na volcanic gases na nakita sa ibabaw ng lawa simula ika-anim hanggang ika-walo ng gabi. Kasalukuyan pa ring nakataas sa Alert level 2 ang naturang bulkan ang patuloy na ipinagbabawal ang pumasok sa permanent danger zone nito. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Source: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) 📷 EnP. Alex Czar Masiglat #GoBatangas #Batangas #TaalVolcanoUpdate Ctto

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.