Huli na ng aking nabalitaan, ang panibagong quarantine na ipinatupad ng ating pamahalaan, wala kasi kaming t.v na p'wedeng panooran, lalong wala ring bahay na p'wedeng silungan, Napaalis kasi kami sa aming inuupahan, nakaraang taon na lockdown ay hindi namin nakayang labanan, nagsara kasi ang maliit na kompaniyang pinatratrabahuan ni itay, sa sobrang higpit, hindi na rin makapagbenta ng gulay si inay Ngayon hindi ko alam kung papaano ulit magsisimula, lalo't ang tatay ko'y nang dahil sa sakit ay tuluyan na sa aming nawala, lockdown na naman kaya hindi na rin kami makadiskarte ni ina, palaisipan na lang kung bukas ay may kakainin pa ba. Sa napakalaking mundo, tuldok na katulad namin ay malabong mapansin, buti pa ang iba'y nabuburyo lamang ngunit may nakakain pa rin, kaligtasan o pagkain - hindi na alam kung anong uunahin, tuldok man kami sa mundong ito, sana'y huwag kalimutan na kami ay tao pa rin. Isang share ay mahalaga, spread for awareness. Huwag natin sila kalimutan. Pinterest : https://pin.it/3r9IHwG credits to talinhaga
No comments yet