"Magpakayaman ka muna para sa susunod ikaw yung habulin nila." Linyahan na laging sinasabi sa mga iniwan... Oo may punto naman ito pero para saken kase mas romantic yung "love story" pag wala kapang kaya sa buhay tas mahahanap mo yung babaeng di ka iiwan kahit anong mangyari. Yung magiging saksi sa tagumpay mo, yung mananatili sa tabi mo sa kabila ng mga problema, yung di ka ipagpapalit, yung walang sawang aangkas sa motor mo umulan man o tumirik ang araw, yung walang selang isusuot yung sira at mabigat mong helmet pag hatid sundo mo, yung babaeng makakapaghintay na sabihin mong... "babe magseatbelt kana"... o diba ganda ng transition, imagine yung dating inaangkas mo pinagbubuksan mona ng pinto ng kotse. Mas masarap kase sa feeling yung makatagpo ka ng taong magtutulak sayo para maabot mga pangarap mo kesa makatagpo pag naabot mona ang pangarap mo. Kase kung mapapansin natin ngayon, karamihan sa mga ibang babae pinipili na lang nila ay yung mismong "finished product". Sabi nga nila, mas masarap kainin yung pagkain pag nasaksihan mo yung pagkaluto at pagkahain. Di naman kase yaman at kagandahan yung basehan sa tunay na pagmamahalan. Isang lalaking may pangarap at babaeng tapat BOOM... "and they lived happily ever after". —-jilansarmiento
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet