Ako'y gagawa ng tula Pero Hindi magkatugma.. Sana'y maibigan nyo ang aking Munting Paksa.. Kung walang sukat at tugma Pasensya na Hindi ako magaling na makata..Hatid ko Lang inspirasyon at Aral . Heto na sisimulan ko na. IKAW MUNA 👉caedengrey Marami ba ang iyong Bagahe ? Baka masyadong mabigat kaya hindi makaabante. Sana sa pagkakataong ito isipin mo naman ang iyong Sarili Sana Sa pagkakataong ito Sarili mo naman ang iyong Mapili. Subukan mong pakawalan ang bigat Pa unti unti mong bitawan ang mga nagsanhi ng sugat. Ibaon sa limot ang mga bakas ng mga naiwang Lamat. Sapagkat panahon na para tanggapin Na kaya mo ng tanawin Ang mga nagpabigat ng iyong damdamin. Pumunta sa lugar na sayo'y magpapasaya Buuin muli ang sarili hayaang tumila ang pagbuhos ng Luha. At maging handa sa panibagong simula At darating din ang panibagong pag asa. Pero ngayon wag mo muna isipin ang iba.. IKAW MUNA. Magandang umaga Mahal kong kaingay.. Habang tumatanda napagtanto ko marami palang Aral na ituturo ang mundo. Bunga ng pagkakamali ang pagkatuto.. Hindi kabawasan saatin ang pagkabigo.. Sapagkat ito ang Susi upang lumaban tayo muli.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Aba Aba Ang ganda ng iyong tula kasing ganda ng kahulugan nito
Salamat kabsat hehe
Puno ng aral. Ikaw muna ay ako muna pala.
Magaling magaling 👏👏