Tumigil ka muna saglit. Mata'y dahan-dahang ipikit. Kahit sanay ka na, hindi mo kailangang tiisin lahat ng sakit— Ipahinga mo muna ang iyong sarili sa labis na pag-iisip. Mahaba pa naman ang iyong lalakbayin. Hindi kailangang madaliin. Mahirap pero sigurado namang kakayanin— Puso lamang ay patatagin. Normal lang naman ang mapagod. Puwede rin namang sa lungkot ay magpakalunod. Subalit dapat na kasunod ay mas matatag na bersyon ng iyong sarili— Na pagpapatuloy at muling pagsubok ang pinipili. Huminga nang malalim. Ilaban mo sa panalangin. Magsumikap at magtiwala sa sariling kakayahan. Makararating din naman. Pahinga muna. Pagkatapos— Ilaban mo na. This is for you Self 🙏😌
10 comments
Good Tuesday evening.
Nice one sissy mahusay ang inyong tula palakpak ingat ka palagi Dyan.
Salamat sis relate ako
Ganda nga ii tugmang tugma talaga un tula mo.
Bah laging may hugot si ate Cae ah
May pinag dadaanan lang ate
Naku huwag mong dibdibin car
Like it sis! Pahinga muna , then fight na ulit after.
iYes sis PahingA lang laban lang
Ay ang sexy mo sis, kung nasa pinas ka baka kuya na si caeden hahaha