"Simple Lang ako.. Kumbaga sa prutas Saging Lang ako.. Di tulad ng mga Kaibigan mo.. Na apple orange ang Grapes mga yayamanin.. Pero tandaan mo Saging Lang ang may Puso. " Mapagpalang Umaga. Maagang blessings na naman po.. Nakuha ni tatay sa Bukid.. May mga tanim din kasi siya doon na mga saging. Salamat tatay sa Saging. May panghimagas na tayo hehe.. Papahinugin nalang ng konti.. Napaka swerte ko talaga sa mga in-laws ko kaya Kahit papapaano may kinikilalan padin akong nanay at tatay Dahil sa buong pusong pagtanggap nila saakin. Sino dito ang pinagpala sa mga Biyenan? Mahalin po natin sila gaya ng pagmamahal natin sa ating mga magulang.
5 comments
Sarap naman nyan sis parang yun kanta lang ng aegis na... Akala ko ikaw ay saging, bananacue sa aking paningin... 😂😂😂😂 Sobrang blessing din talaga pagkakaroon ng mabait na mga in laws...
Hahajha OO nga sis ehh yan ba entry mo sa singing contest ?
hala hindi sis... entry ko yan sa joke natin kahapon haha... baka isumpa ako ng mga kaguruan kapag ako ay sumali dyan, waley me talent sa singing
Hahaha ayus yun ah. Saging lang may puso
Gusto ko nģ madaming saging na kaibigan, dahil saging lang ang may puso haha 🥝