read.cash Log in
@caedengrey more from that month

Gulong gulo ang isipan Ano nga ba nararapat na gawin? Ano nga ba ang tama at alin ang mali? Ang sabihin ang tunay na nararamdaman o mananatiling lihim ang lahat.. Dahil kapag nilabas ko ito alam kong may masasaktan at alam ko dIn sa sarili ko na Mali ito.. Mali sa mata ng Tao..at lalo na sa mata ng Diyos. Pero heto ako Tao lang nagkakasala nagkakamali.. Ganitong oras ko pwedeng ibuhos lahat ng kinikimkim ko hindi ko alam kung Ano ito.. Pagmamahal ba talaga? O ano?? Tahimik malaya akong nakaka pag isip ng paksa ko.. Pero itoy totoo base sa nararamdaman ko.. Dito sa noise malaya kong mailalabas lahat lahat sakit, poot , galit.. Dahil alam kong marami ang makakaintindi saakin dito. Nasosobrahan ko naba ang pag iisip ko, o sadyang ito lang ang nararamdaman ko.. May nabasa akong nakapagpost kanina na isang Noisemate na ang sabi Kailangan sabihin ang tunay na nararamdaman or ipadama habang hindi pa huli ang lahat.. Pero pinipili kong itago dahil ayoko makasakit ng damdamin ng ibang tao. -cae

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.