Tila tayo'y tulang hindi na nagtutugma Na kahit anong Pilit Ay Hindi na aakma Mga linyang Sikat na saati'y nagmula May hatid na lungkot at pangungulila. Marahil nga'y tapos na ,ayoko ng Umasa pa Na sa huling pahina,tayo ay magkasama Sugurado nga Ay Tama nA ,wala na tayong dalawa, Sana'y maging masaya ka,kahit nasa iba ka na. Bahala na si bathalang tanggalin ang mga alaala Nawa'y pagtagpuin tayo sa susunod na kabanata, Hihintayin ko ang bagong simula sa bagong pahina, Na tayo muli ang paksa at hindi kana mawawala. Kay hirap bitawan bitawan katagang paalam na dahil mahal kita. Buo man itong Aking tula,ngunit tayo'y Hindi na tugma, Sa sitwasyong kinahantungan,ayokong maniwala, Na minahal kita noon,ngunit ngayon ay ipauubaya 💔 Sana magustuhan nyo itong Aking Simpleng tula noisemate😊 Magandang Umaga 😊
No comments yet