Nakakamiss naman balikan ang mga Nakaraan.. Nakaraan noong ako'y musmos palamang.. Na dating iniiyakan Lang ay kapag hindi nabilhan ng candy.. At kapag nadapa at nasugatan ang tuhod..kapag may pupuntahan ang Aking nanay nA maiiwan ako.. Na Parang walang problema kapag bata pa. Ngayon sobrang sakit na ng nararamdaman.. Yung tipong kahit iiyak ka nandito parin yung sakit.. Gusto ko nga bumalik nalang sa pagkabata.. Para kahit isang Candy Lang masaya na ulit.. Namimiss ko na din ang PAg aaruga nila nanay at tatay.. Ngayon ako na ang nag aaruga sa sarili Kong anak.. Hindi ko na naranasang o suklian ang PAg aaruga nila Kasi Maaga silang kinuha na ating Panginoon. Namimiss ko na Maglaro ng dating mga laro ..namimiss ko nadin mga dati Kong kalaro.. Pero ngayon. .tadhana nalang ang mapaglaro .. Ganun talaga siguro ang Buhay.. Walang permanente sa mundo.. Hindi Pwedeng manatiling bata..kapag nasasaktan ngayon Sana bukas mawala na ang sakit.. Sana Paggising ko Maramdaman ko ulit ang Saya na dati kong nararamdaman.. Sana Haplusin ang puso Kong sugatan ngayon.. Sana maghilom mga sugat na dulot ng mapapait na Ala Ala.. Sana.. Sana.. Sana sa isang iglap Maghilom na ang sugatan Kong. Puso.. Ang Aking Sana. By. Caedengrey #owncontent💔
No comments yet