Yung sobrang antok na antok ka kanina habang nagwowork tapos ganito na echura after shift - gising na gising. Bakit ba ganito utak natin minsan. Kung kailan need natin matulog saka pa alive na alive. Pero okay lang, off ko na bukas at monday night pa balik ko since di na ako nagwowork sa morning. Nga pala, happy ako kasi nabayaran na ako ni client. Di pa full pero mamaya sesend nila yung balance at bonus pa daw. Char naman. Tapos nag ask si client saan ako pwede ma contact in case magpapagawa sila ng ibang page or me pa edit, so ayun binigay ko Facebook ko. So ayun, iaadd daw niya ako para madali niya akong mahanap. Yay! Tapos ang bait pa ng mga comments niya sakin sa chat. Kaya na eexcite ako sa magiging feedback niya sakin. Pandagdag boost na rin ng profile ko yun kung sakali. Tapos bakasyon na ng mga pamangkin ko sa cebu so bakasyon sila dito. So sa Sunday, manlilibre ako sa kanila. At mabilhan ko din ng bagong toy si Boss baby para me bago siyang katabi matulog sa gabi.
No comments yet