"Buhay ay Pahalagahan, Covid-19 ay Iwasan"
**This is a new poem I have written I hope you would like it.** *Biglang tumigil ang buong mundo,* *Nawindang ang lahat ng tao.* *Sino ba naman ang mag-aakala?* *Kalabang hindi nakikit,* *Sakit na mapaminsala.* *Mga tao ngayo'y nababahala* *Baka sila ay mahawa* *Sa virus na kumakalat* *Sa bansang Tsina pa buhat* *Sang-ayon sa mga ulat* *Nagsimula noong huling quarter ng 2019* *Sakit na may ngalang Covid-19* *Kaya ngayon buong bansa natin* *Ay nasa ilalim nh Community Quarantine* *Kaakibat ang mga panuntunang dapat sundin* *Mga kaso'y mabilis na dumamadami* *Sa buong bansa saan mang parte* *Kaya payo sa mga tao'y mag-ingat* *Ugaliin ang pagsuot ng face mask* *Sapagkat sakit ay mabilis na kumakalat* *Umiwas muna sa maraming tao* *Baka ikaw ay magpositibo* *Bagay na ito'y dapat seryosohin,* *Isanasawalang bahala lang ng iba sa atin* *Alam niyo bang ito ay para sa atin?* *Tulang aking sinimulan* *Ngayo'y akin ng wawakasan* *Kaibigan isa lamang paalala* *Buhay mo'y bigyang halaga* *Ingatan ang sarili pati na rin ang pamilya*
Thank you so much for spending time in reading my article.
No comments yet