Join 78,658 users and earn money for participation

Hindi Ko Sukat Akalain

19 29 boost
Avatar for bheng620
Written by   513
1 month ago

Magandang Gabi sa lahat, Kumusta? Narito po ulit ang inyong abang lingkod para sa kanyang artikulo pagkatapos ng isang araw, magsusulat sa gitna ng kadiliman sa ngayon dahil sa kadahilanang brownout o blackout dito sa amin, kung kailan gabi na, lol, hanggang alas dose daw ng madaling araw, lol, kaya ito, napagdesisyunang magsulat ng kanyang artikulo para sa araw na ito na base sa kanyang karanasan, lol, ipagpaumanhin at unawain ninyo ang pic collage na aking gagamitin/ilalagay dito, lol.

Ito po ang pangunahing at pangalawang larawan para sa aking artikulo sa gabing ito, umaasa sa inyong lubos na pang-unawa hinggil sa bagay na ito, lol, nakahiligan lamang na gumawa ng pic collage sa bawat artikulong aking isinusulat.

Hindi Ko Sukat Akalain

Tama, hindi ko sukat akalain na mangyayari po ang bagay na ito, ni sa hinagap o masamang panaginip, hindi ko inaasahan na ito ay magaganap pero sino nga ba sa atin ang nakakaalam ng mga mangyayari kinabukasan o sa hinaharap? Tanging ang Diyos lamang ang may alam dahil Siya ang naglikha sa ating lahat at sa buong sanlibutan.

Ang mga larawang iyan ay mga eksaminasyon at resibo po ng aking ina. Kinailangan niyang kunin at pagdaan ang mga bagay na iyan para malaman o matukoy ang talagang dahilan o sanhi kung bakit siya nakakaramdam o nakakaranas ng sakit sa kanyang dibdib, kung bakit sumasakit at naninikip ang kanyang dibdib. Medyo may kamahalan ang mga presyo ng mga iyan, laking pasalamat na lamang at siya't isa ng Senior Citizen kaya nakakuha ng diskwento sa mga iyan.

Ayon sa Doktor na tumingin po sa aking ina, minungkahe niya na kailangan daw ng aking ina na sumailalim sa tinatawag nilang ECG para malaman ang punong dahilan o sanhi ng sakit at paninikip ng dibdib na kanyang nararamdaman at nararanasan. Base sa resulta ng nasabing ECG niya, ang puso daw ng aking ina ay barado kaya daw siya nakakaramdam at nakakaranas ng ganung bagay. Ang larawang nasa itaas ang mismong resulta at katibayan na siya ay talagang sumailalim sa ganung eksaminasyon at tumaas lang daw ng kaunti ang kanyang blood sugar at cholesterol kaya pinagbawalan siyang kumain ng mga bawal na pagkain, mamantika, maalat at matatamis na pagkain, kumain lamang daw ng tama, kaya pati ako dito ngayon na walang sakit na nararamdaman eh nahawa't walang nagawa at ngayon eh diyeta na't hindi na din puwede kumain ng sobra, lol.

Ang larawang iyan po ay ang nadagdag na gamot na kailangang inumin dito ng aking ina. Ang mga dati niyang gamot na iniinom ay ang mga sumusunod: Aspirin, Metformin, Losartan, Amlodipine, mga gamot na para sa dugo, sa blood sugar, cholesterol at highblood. Napakaraming gamot na kailangan niyang inumin, ang mainam o maganda lamang ay para sa labinlimang araw lamang ang gamot na Trimetazidine. Ang laking pasasalamat ko na ako'y dalawang beses na nanalo kaya nabili at nabayaran ko ang mga nasa larawan dito. Napakabuti at talagang marunong ang Diyos o Poong Maykapal sa Kalangitan, kaya marapat lamang na Siya ay ating laging purihin. Sa ngayon, medyo maigi na ang pakiramdam dito ng aking ina, hindi na daw ganung masakit o naninikip ang kanyang dibdib pero kailangan parin ng doble ingat para hindi na iyon maulit o muling bumalik.

Hindi ko talaga sukat akalain na aking ina ay makakaranas ng ganung bagay, pakiramdam o sakit, siguro talagang nakatadhana o talagang nakatakda iyong maganap sa kanya. Hanggang dito lamang sa ngayon, sa susunod na kabanata o sa uulitin ulit, lol, magandang gabi ulit sa lahat, bukas ulit, abangan, lol

6
$ 2.69
$ 2.54 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.03 from @charmingcherry08
+ 4
Avatar for bheng620
Written by   513
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

I hope your mom is going to be okay soon. Sana kung may bara man ay pwedeng madaan sa gamutan..I know how it feels.

$ 0.00
1 month ago

Thank u po, right now, she's feeling a little good n better na po n opo, sna po mdaan po sa gmot ung bara po sa puso nya n after 15 days po eh mgpcheck po xa ulit n bka mgpbloodchem n ecg po xa d2 ulit kya kylngn po mg-ipon po pra dun

$ 0.00
1 month ago

Good to hear that po :)

$ 0.00
1 month ago

Opo, psalamat po aq dhil nanalo po tlga aq sa mga yan po :)

$ 0.00
1 month ago

More panalo to come sis!

$ 0.00
1 month ago

Salamat n sna nga po pra ndi na po aq mhrapan mghagilap d2 po ng pera sa followup checkup po d2 ng nanay q po

$ 0.00
1 month ago

Sa lahat po ng ngbgay ng upvote, maraming salamat po

$ 0.00
1 month ago

I am including you and your mom in my prayers, bhengbheng!

$ 0.00
1 month ago

Thank u po lalo na po sa upvote :)

$ 0.00
1 month ago

xoxo

$ 0.00
1 month ago

😊

$ 0.00
1 month ago

I'm glad na okay na mama mo ngayon Bheng. Ang bait talaga ng Panginoon kasi andyan siya lagi gumagabay.🙏

Ang purpose ng manalo ka Bheng kasi alam niyang may pagpapagamitan yung money na iyon na importanteng bagay. Ingat kayo lagi Bheng ng mama mo.🙏

$ 0.00
1 month ago

Maraming salamat po n opo, un nga po dhilan kng bkit po aq nanalo dhil dun q po un gagamitin po n opo, ingat din po kau jn lgi n God bless po, sa panahon po ngaun, bwal n mhal po ang mgksakit n opo, Sobrang bait po ng Diyos dhil ndi Niya po tau pnpbayaan po, lgi po Xang nandun pra po sa ating lahat, lgi pong nkakaalalay po

$ 0.00
1 month ago

Yes Bheng.. Basta manalig lang tayo palagi sa Panginoon walang imposible. Walang anuman Bheng... Ingat ka lagi..🙏

$ 0.00
1 month ago

Maraming salamat po n opo, dpat lgi lng pong mgdasal n manalig po sa Kanya n ala po tlgang impossible po sa Diyos, ingt din po kau jn lgi n God bless po :)

$ 0.00
1 month ago

Get well soon po sa nanay niyo..Malalagpasan niya din po yan pray lang po.

$ 0.00
1 month ago

Salamat n opo, mlalagpasan nya po tlga un n lgi po aqng ngdadasal po d2 ndi lng po pra sa amin d2 ng nanay q kundi pra po sa ibng kamag-anak, kaibigan n kakilala q po

$ 0.00
1 month ago

Humihingi ako ng paumanhin para sa blackout. ito ba ay isang pangkalahatang blackout o bahay mo lamang? napakalungkot na ang iyong ina ay kailangang sumailalim ng gayong sakit sa puso. Ang ibig sabihin ng ECG ay electrocardiogram.

Magandang gabi sa iyo sana gumaling agad ang nanay mo

$ 0.00
1 month ago

Ang blackout po d2 ay pra po sa kalahatan, tulad nalang po ngaun, ala na nman po kming ilaw dhil my inaayos daw ulit cla, lol, lgi pong my inaayos n opo, cguro bhagi na po un ng ktandaan dhil humihina po ang katawan n opo, ang ECG po ay isang proseso pra mlaman ang kalagayan o kondisyon po ng puso ng isang tao, sa ngaun po, ndi na daw gnung mskit ang dibdib nya, umeepekto na po ang gmot na kanyang iniinom po d2 dhil mabisa po, salamat n mgandang tanghali po sa inyo

$ 0.00
1 month ago