Join 75,784 users and earn money for participation

Ako'y Tinakam At Pinatikim Lamang

39 37 exc boost
Avatar for bheng620
Written by   510
2 months ago

Magandang gabi sa lahat, Kumusta po kayo? Napagdesisyunan ko na magsulat sa sarili kong wika o salita bilang aking paggalang sa aking sariling wika at bilang pagbibigay-pugay na rin sa Buwan ng Wika ngayong buwan na ito po, lol. Ang aking isusulat dito ngayon ay base at hango po sa aking sariling karanasan at hindi kinuha sa kung saang lupalop o sa internet, lol.

Ako'y Tinakam At Pinatikim Lamang

Opo, ako lamang po eh tinakam at pinatikim lamang, sa dahilang hindi ko po maintindihan.

Ako'y tinakam at pinatikim lamang dahil sa ngayon po, ako'y nasa bahay at tambay lamang.

Ako'y tinakam at pinatikim lamang dahil pagkalipas ng labingwalong araw, ngayon po ako'y tambay at kasalukuyang nakapirmi lamang sa aking bahay.

Opo, ako'y tinakam at pinatikim lamang pagkaraan ng isang taon at kalahating paghihintay sa trabahong aking muling inasam at sa mga kasamahan sa trabaho na akin ng naging matalik na mga kaibigan.

Mahirap po pala na ikaw lamang eh tinakam at pinatikim lamang, lol, ngayon ika'y bitin at naghahanap na ng iba mong pwdeng paglibangan.

Ako'y tinakam at pinatikim lamang, ngayon ako'y nganga at hindi na malaman kung ako'y magiging ganito na lamang habambuhay o may bagong pag-asang makakamtan?

Ako'y tinakam at pinatikim lamang dahil ngayon, ultimo ang aking pag-ibig at sinisintang iningatan sa loob ng mahigit tatlong taong nagdaan, parang bulang naglaho at tinangay lang sa kalangitan.

Ako'y tinakam at pinatikim lamang dahil ngayon, ang pag-asa at pag-ibig na aking pinakaaasam-asam eh tuluyan na bang mawawala o maglalaho ng tuluyan?

Naranasan nyo na po ba ang ganitong bagay o karanasan? Ang kayo'y tinakam at pinatikim lamang?

Ako'y tinakam at pinatikim lamang dahil ngayon, ang aking karanasan o naranasan eh akin na bang dapat kalimutan para sa bagong karanasan o buhay na alam kong aking makakamtam kung ako'y mananalig at muling kakapit sa Poong Maykapal?

Ako ba talaga'y tinakam at pinatikim po lamang? Ano po sa inyong palagay dahil sa ngayon at sa totoo po lamang, ako po ay hindi na po dito talaga mapalagay, lol.

Ako'y tinakam at pinatikim lamang dahil ngayon, ako'y apat na araw ng walang trabaho at bumalik ulit sa buhay na walang ibang maaasahan kundi aking sarili ulit lamang.

Masakit po pala ang ika'y tinakam at pinatikim lamang, ngayon, ito po ba'y aking dapat pagsisihan o dapat ko po isipin o ilagay sa aking isipan na ito'y isa lamang ulit pagsubok sa aking buhay na dapat kong malagpasan? Ano po sa inyong palagay?

Ako'y tinakam at pinatikim lamang dahil ngayon ko po talaga napatunayan na mahirap ang mabitin at malagay sa bingit ng alinlangan, ang bagay o karanasan na hindi agad naiwasan sa simula pa lamang kung akin lamang agad nalaman.

Ako'y tinakam at pinatikim lamang, ngayon ako'y nag-iisip na ng ibang bagay na pwde kong pagkakitaan kung sakaling ang ganitong bagay o karanasan eh tumagal ng habambuhay.

Hanggang dito na lamang po, lol, ang aking tanong na lamang po sa inyo eh, kayo po ba'y tinakam at pinatikim din lamang po ba? Lol, lubos ko pong ikakagalak o ikakatuwa marinig ang inyong saloobin o opinyon o sagot sa aking tanong, magandang gabi po ulit sa lahat, ito po ang inyong lingkod na nagsasabing ako'y tinakam at pinatikim lamang kaya ngayon ako'y kakain na po dito ng aking hapunan, lol.

P.S. wala na po kasing maisip kaya ito na lamang po ang aking isinulat, ito'y talagang base sa aking buhay at karanasan po dito, ang trabahong panandalian, tinakam at ako'y pinatikim po lamang.

11
$ 12.46
$ 12.00 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @Meyzee
+ 6
Avatar for bheng620
Written by   510
2 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

LT ako dito haha. Tungkol pala sa trabaho haha.

$ 0.01
User's avatar Yen
2 months ago

Opo, lol, tungkol po sa work n sa pgkbitin q po dun, hahahA, mhrap po kc ung nbibitin po kc, lol

$ 0.00
2 months ago

Sa unang basa ko miss bheng, akala ko talaga it was something else you are referring to. Hehe. Trabaho pala 😅

$ 0.01
2 months ago

Hahaha, sbi po kc nla, dpat daw eye catching o catchy daw po ung title kya yan po nlgay q, miss jeaneth n opo, nbitin lng po aq sa work, akla q po kc eh tuloy-tuloy na po, un pla tinakam n pinatikim lamang po aq, lol

$ 0.00
2 months ago

Nag ecq kase miss bheng. Kung hindi siguro ng ecq ulit, tuloy sana work mo.

$ 0.01
2 months ago

Opo, ng MECQ po kc kmi d2 n kng ndi po un ngyri, tuloy-tuloy na po sna work q kso my mga bgay po na ndi po maiiwasang mngyri n ndi po ntin alm na mngyayari po, miss jeaneth, lol

$ 0.00
2 months ago

Sana all pinatakam at pinatikim. At least nakatikim hahahaha

$ 0.01
2 months ago

Hahaha, opo, nkatikim po khit pno, un nga lng po, mdyo nbitin po aq, lol, mhrap po un, hnggang ngaun eh ndi pa po aq gnung nkakarecover po, lol

$ 0.00
2 months ago

Hahahhaha 😆😆😆

$ 0.01
2 months ago

Hahahhaa at least nakatikim kesa pinatakam lang tas di pinatikim Masakit yoownnn 🤣🤣

$ 0.01
2 months ago

@Alther, thank u for the upvote :)

$ 0.00
2 months ago

Akala ko kung ano na ang pinatikim sayo lol..Ganda naman ng tula :D

$ 0.01
2 months ago

Lol, sa work q po ung ibig q po sbhin na tinakam n pinatikim lng po aq dhil ngaun eh tambay po aq ulit, lol

$ 0.00
2 months ago

Hehehe oo nga po, biro lang..ECQ na naman kasi di ba po? Jan sa inyo ganun din?

$ 0.01
2 months ago

Opo, alm q mn pong biro lng po un, lol, MECQ po kmi d2 ngaun kya hlos lhat po ng hotel d2 eh sarado po cmula po nung August 7 po n ala na pong mga guests d2 po ngaun

$ 0.00
2 months ago

Ingat po palagi, we can get through this :)

$ 0.01
2 months ago

Opo, ingt din po kau jn lgi n opo, mlmpasan po ntin 2ng lhat po

$ 0.00
1 month ago

Thank you! Of course, we can do this!

$ 0.01
1 month ago

Welcome n opo, we can do this po tlga :)

$ 0.00
1 month ago

:D Salamat sa upvotes dami nun ah

$ 0.01
1 month ago

Welcome n ndi mn po, lol

$ 0.00
1 month ago

Hehe :D Great weekend!

$ 0.01
1 month ago

Opo, hope it will be great po, lol

$ 0.00
1 month ago

:D

$ 0.01
1 month ago

😊

$ 0.00
1 month ago

Ano lasa kpg pinatikim lang? 😅🤣 yung title tlga eh noh

$ 0.01
2 months ago

Bitin po kpg pinatikim lng n mhrap po kpg nbitin po, nkakainit n nkakaaburido po un, lol, salamat po sa upvote :)

$ 0.00
2 months ago

Wahahahaha, diko kinaya ung title ee wahahahaha. Bat naman kasi ang hilig magpatakam anobahahaha

$ 0.01
2 months ago

Hahahhaah 😆😆😆

$ 0.01
2 months ago

Salamat, lalo na po sa upvote, un nga po, tinakam n pinatikim lng po aq kya ngaun po, bukod sa nbitin eh uminit n naaburido lng po aq, lol

$ 0.00
2 months ago

Hahahha 😆😆 grabe nashookt ako sa title! Improving na sis ang pagsulat mo! Pakonti na ng pakonti ang po! Hehehe! Ang galing!

Mukang hindi ko pa naranasan yang pinatikim at pinatakam 😆😆

$ 0.01
2 months ago

Haha . natawa ako sa po ,,🤣 Si bheng kya pinaka magalang dto sa rc 🤣

$ 0.01
2 months ago

Salamat lalo na po sa upvote n mdyo po, lol, effective po kc ang advice nyo po nina miss jane n miss eybyoung po kya cnunod q lng po un, aq po eh nranasan na po ngaun ung tinakam n pinatikim lamang n mdyo ndi po un mgnda dhil nbitin lng po aq, lol

$ 0.00
2 months ago

Free taste ba yang pinatikim sayo? Haha

$ 0.01
2 months ago

Dati, opo, ngaun po eh ndi na po, lol, msarap n mbenta po ang free taste eh, hahaha

$ 0.00
2 months ago

Mejo natuwa at nasamid ako sa patikim, sis hehe

$ 0.01
2 months ago

Salamat po sa upvote, lol, mhrap po ung tinakam n pinatikim po lamang dhil nkakabitin o mbibitin lng po kau dun, lol

$ 0.00
2 months ago

welcome po, sis :)

$ 0.01
2 months ago

God bless po :)

$ 0.00
2 months ago