Takipsilim
Ako lang ba? Ako lang ba ang nabubuhayan tuwing takipsilim? Sa sobrang traffic ng mga sasakyan Sa sobrang init ng araw Sa sobrang bilis ng kilos ng mga tao Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba ang mabuhay Sa tuwing sisikat araw ay maskara ko'y sout sout ko na Ngiti sa aking mga labi ay naipinta na Para lamang masabi ng iba na kaya kong makipagsabyan sa agos nila Ngunit sa bawat kanto ng aking pinupuntahan ay labis akong nasasaktan Para kasing lahat ng mga iyon ay may mga kuwentong nais maibahagi Ngunit bawat kanto ay takot na mahusgahan Kaya sa kadiliman ay pinipiling matabunan Bawat tao na aking nakikita Ay iniisip ko kung ano ang kanilang istorya Mas gusto ko kasing mag-obserba nalang kaysa tuningin sila Dahil alam ko naman ang kanilang sagot at iyon ay "okay lang ako" Nakakasawa na itong mundo nating waring tanghalan Kung saan lahat tayo ang siyang mga artistang naglolokohan Mga artistang nakakalimutan na ang sariling pangalan dahil mas inuuna ang iskrip kaysa sariling kalagayan Kaya ako Mas gusto kong magtakipsilim na Dahil iyong lamang ang panahon kung saan sabay sabay na tinatanggal ng lahat ang kanilang mga maskara At sabay sabay na lilimutin ng lahat ang kanilang mga linya Upang langsapin ang katotohanan Kahit na puro ito kasakitan Dahil sa takipsilim lamang umaalis ang liwanag habang pasapit pa ang kadiliman.
No comments yet