read.cash Log in
@bertzkie

Kalungkutan

Balisa at lutang and isip, punong ng pangangamba. Marahil dahil sa mga kagimbal-gimbal ng trahedya na nararanasan ng mundo. Ito'y di mawala sa kanyang isip. Ngayon na ba and kataposan o isang paraan para maghilom ang sugat ng kalikasan. Pero napagtanto ko na matagal ng nabubuhay ang salitang paghihirap. Marami ng kinitil na buhay ang kamatayan. Sapagkat matagal na siyang nabubuhay. Payapa man tignan ang mga barrangay at bayan. Ang mga tao ay nababalot ng pangangamba, lalo na ang hinaharap ay walang kasiguradhan. Sa aking paghiga sa aking kama ay ipinikit ko ang aking mata. Matulog ka ng mahimbing ang ika ng aking ina bago si lumisan sa mundo. May Diyos sa itaas na nagbabantay, lalo na sa kanyang mga anak. Ang mga tao tumanggap sa kanya. Nakakatakot man ang maaring mangyare subalit hindi ito magiging hadlang upang mangamba. May Diyos na mabuti at puno ng habag. Ang mga bagay na ng yayari ay mga tanda ng kanyang pagbabalik.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.