Kasakit
Pagtanggap at pagpapanggap Sa mundo, iba't ibang uri ng tao ang pwedeng mahagilap Maaaring maraming pwedeng mangyari sa isang kurap Kung kaya't wag tatalikod at pwedeng bumagsak sa isang iglap Kahit anong bait ng ahas ay pangahas niya pa ring tutuklawin ang amo Sadyang lahat ng bagay kahit napakaamo'y pwedeng maging tuso Kaya't huwag munang ibigay ang tiwala sa mabuting Samaritano Pakatandaan na laging mayroong dalawang mukha ang isang piso Kadalasang ang kaaway ay nandiyan lang sa tabi - tabi Minsan kung sino pang mukhang mabait, siya pang maraming kinukubli Mag - ingat sa mga kaibigang may mukha ng maamong tupa Dahil baka sila pala'y leon na sayo'y handang sumagupa Iwasan ang masama't matapang upang makaiwas sa gulo Hindi natin alam na mas dapat katakutan ang mga taong nasa loob ang kulo Ayaw mong tangkilikin ang masakit magsalita ngunit ang puso ay totoo Gusto mo kasing makarinig ng magaganda sa mga taong peke naman sayo Hindi totoong kahit anong kabutihang gawin mo sa kapwa mo'y babalik sayo Hindi rin totoong lahat ng taong nagpapakabuti sa harap mo'y nagpapakatotoo Pagtanggap na kay init na siyang pinangpukaw at pinanlinlang Sa huli'y isa lang palang tusong sulong na sakin ay lalamon at dadarang.
No comments yet