read.cash Log in
@bertzkie

Kawalan

Ayus lang naman na ikaw ay umibig sa isang makata Basta alam mo lang kung paano kumawala Hindi naman kita pinapaikot upang tayo'y maging tugma Ginagawa ko lang ang lahat upang ika'y mapasaya. Ngunit iba pala ang iniisip mo Akala mo sobrang makasarili ako Akala mo binibilog ko lang yung ulo mo Akala mo hanggang salita lang ako. Kaya ko namang bigyan ka ng regalo Yun nga lang mas pinipili ko ang magpapatibok ng puso mo Ayaw ko yung makabago na puro bulaklak at tsokalate Pero kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo at papakawalan na kita ng husto Hindi na ikaw ang magiging paksa sa bawat piyesa Hindi na ikaw ang magiging dahilan ng aking saya Hindi na ikaw ang magiging pantasya At hindi na ikaw ang taong iibigin ko hanggang sa katapusan dahil hindi ka kawalan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.