Wag bibitaw

9 41
Avatar for bbghitte
3 years ago

Ang puso ko ay labis ang pagkagalak

Dahil sa daming ng nadaanang lubak

Madaming beses na ako'y nasadlak

Hinusgahan at di sinuportahan

Pero patuloy akong lumaban

Pinagpatuloy ang pangarap

Na di maintindihan ng karamihan

Malayo daw kasi ito sa aking kursong pinaghirapan

Limang taon ba naman

Aking ginugol sa eskwelahan

Madaming puyat, pagod at talaga naman ako'y nahirapan

Tapos bigla ko lang sya binitawan

Isang iglap unang pangarap akin daw ay kinalimutan.

Ako'y nagpatuloy

Sumugal ng oras at panahon

Baon ang pangarap at inspirasyon

Tiwala sa sarili at determinasyon

Kahit madami silang di sumang-ayon

Buong puso kong tinanggap

Nagpuyat, nag-aral at nagsumikap

Sa karerang buong puso akong tinanggap.

Pero hindi naging madali

Kantyaw, duda, takot, pangamba kalaban ko palagi

Minsan naiiyak na lang ako sa isang tabi

Bigat ng dibdib ay kailangan isantabi

At patuloy akong nagpursige

Di ako susuko, yan ang sambit ko palagi.

Dalawang taon na halos

Nang ang pagsusumikap ay naging puspos

Ang dasal ng isang musmos

Ay unti-unti ng naabot

Sa tulong ng ating mapagmahal na Diyos

Kahit minsan tiwala ay kinakapos

Biyaya Niya pa din ay lubos-lubos.

Kaya ikaw kapatid

Wag kang matakot

Iwasan ang duda kahit minsan ay nakakayamot

Punuin mo ang iyong puso ng pagmamahal at iwasang magdamot

Sigurado ang pangarap ay iyo ding maaabot.

...^•°...

Salamat sa inyong pagbabasa sa tulang kwentong aking ginawa

Hango ito sa kwento ng aking kapatid na bunso

Isa syang inhinyero pero nilisan ito at nagpatuloy sa pagiging Financial Advisor

Di sya bumitaw sa pangarap at ang saya at ginhawa ay kanya ng nilalasap.

...^•°...

Lead image is mine.
#originalcontent

5
$ 1.26
$ 1.15 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @bbyblacksheep
$ 0.01 from @Pisces-jr15
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Hindi ko naman nilisan ang tahak ng aking kurso ngunit parang walang pinahuntungan ang aking mga naging trabaho. Ayan nagagaya nenemen eke seye! 😆

$ 0.00
3 years ago

Heheh, may dahilan ang lahat sis soon mahanap din natin ang landas patungo sa tagumpay😁

$ 0.00
3 years ago

Yes. Sabi nga nila kahit mabagal basta gumagalaw. 💪🏼

$ 0.00
3 years ago

Winner ito..medyo relate.. Pero wala pa ko masyado sa nilasap na ginhawa hahahaba

$ 0.00
3 years ago

Soon sis!☺️

$ 0.00
3 years ago

ang galing mo..

$ 0.03
3 years ago

Salamat!

$ 0.00
3 years ago

Galing naman,is a ka ngang tunay na makata,akoy labis na nasisiyahan sa iyong mga gawa.😄😄

$ 0.05
3 years ago

Aw, salamat kaibigan at ikaw ay nasiyahan☺️

$ 0.00
3 years ago