Ako ay natutulala
Sa angkin mong ganda
Kulay mo'y pambihira
Talaga nga namang kaabang-abang ka.
Kulay mo ay nagbabago paunti-unti
Mula sa nakakasilaw na kulay ginto
Hanggang sa maging kahel ito
Lahat ay nakaabang
Click dito, click diyan
Iba-ibang anggulo
Para lang makasiguro
Na di nila makaligtaan
Magandang scenario.
Pero lalo akong natulala
Nang si kaibigang @Firenze ay ginawan ako
Napakagandang watermark para sa mga larawang kuha ko
Tila ba naging totoo
Pangarap kong maging ganap na tiga-litrato
Oh di ba panalo?
Kasi dati meron ako
Pero feeling ko pucho-pucho
Madaling gayahin
Walang buhay pati dating
Kaya nung napag-usapan ito
Agad akong nakisuyo
Agad-agad naman pinagbigyan ako
Kaya heto, may magagamit na ako.
Talaga naman itong si kaibigan
Kahit sobrang busy, oras sakin ay inilaan
Mapasaya lamang abang lingkod
Na sa ganitong mga talento ay di ako nabiyayaan
Kita mo nga naman, 'bbghitte photography' yan!
Sarap sa mata at pakiramdam
Bigat ng dibdib ay naibsan
Dahil tuwa ang nanaig.
Hala, di ako makapaniwala
Totoo ba itong aking nakikita?
Ako nga ay pakikurot!
Ouch, sakit!
Totoo nga!
Nga pala sa Polish na app ko yan inedit
Dahil di ko makita sa snapseed
Ang pag-insert ng isa pang larawan
Hinanap ko kasi sa Picsart
Subalit ang 'save' option ay di ko mahanap.
O sya, hanggang dito na lang muna
Flinex ko lang talaga
Watermark kong maganda!
Hangang sa muli
All images are mine.
#originalcontent