Natatawa ako sa aking kapitbahay na mag-asawa
Panay sila reklamo na pagod na pagod na
Pano ba naman kasi mga labada iniipon muna nila
Eh tatlo lang naman sila sa pamilya
Pwede naman pagkaligo eh kusutin na nila di ba
Pero may dahilan kasi sila
Yung kuya kasi nila eh lagi daw naninita na mabilis maubos ang sabong panglaba
Ang problema kasi sobrang higpit naman nila sa pera
Halos ayaw nila maglabas pag para sa buong pamilya
Gusto sa kanila lang, pati nga pagbili ng tubig eh ipapalista pa at babayaran ni kuya
Si kuya kasi ang tigahawak ng pang-gastos nila bukod sa allowance nilang mag-asawa
Oh di ba naguluhan ka?
Pero balik tayo
Bat sila nagrereklamo na pagod na
Pano ba naman kasi umuwi muna yaya nila
May importante kasing inayos sa kanila
Nung andito kasi yun, don at donya sila
Pagkagising, kakain na lang sila
Ni magligpit nga ng pinagkainan di pa nila magawa
Tapos yung ulam nila, si yaya ang namumroblema
Nakakarating sa malayo maghanap lang ng saluyot, malunggay at iba pa
Para maihain sa hapag nila.
Si yaya, nagigising ng maaga
Alas kwatro y media pa lang nagwawalis na
Pagdating ng alas singko nagluluto na ng almusal para paglabas ni haring araw pagpapastol ng kambing na ang kanyang aatupagin
Pagtapos ay sabay silang mag-aalmusal sa lolang kanya ding binabantayan
Mabilis kumilos si yaya
Kahit sabihing grade 3 lang tinapos nya
Lahat kanyang kinakaya, pati nga galit ng mga amo nya
Na kahit yata oras ng siesta eh ayaw pang ibalato sa kanya.
Kaya ngayon
Si yaya nakabakasyon
Ramdam na ramdam nila ang kawalan nito
Pero ang dasal ko
Sana marealize nila na sobra-sobra ang pinapagawa nila para sa isang tao
Na sana matuto silang pahalagahan ang kanyang serbisyo
At makita nila ang worth nito.
...^•°...
O sya, tatapusin ko na ito
Nauubos na Tagalog words ko
Ipon muna ulit ako🙂
Lead image is mine.
#originalcontent