Naputol sandali
Ang aking pagmumuni-muni
Di ko masabi
Pakiramdam ko'y di mawari
Bigla akong di mapakali
Di alam kung tatayo ba ko o hindi
Ihiga na lang at itulog hanggang matapos ang gabi
Gusto kong di pansinin
Pero tila ba sya isang daluyong na ayaw magpasintabi
Parang ulan na bubuhos na nang pagkadami-dami
O araw na ayaw magpaawat sa kainitan
Bigla ko tuloy naalala
Aking napanood kanina
Yun bang kay Papa P na 'My Amanda'
Hay grabe, ang gwapo talaga ni Papa P
Bumalik tuloy ang aking paghanga sa kanya
Naalala ko nung bago ako sa aking unang trabaho
Sabado yun noon
Biglang si Piolo ay may meet and greet sa Isetan Recto
Sabi ko talaga sa boss ko half-day ako
Pupuntahan ko kako si Piolo
Natatawa sya akala nya ito'y biro
Pero nung nakitang nyang nag-aayos na ko ng mga gamit ko
Ayon, narealize nya ako ay seryoso
At pinayagan din ako😊
Nagmadaling bumaba ng opisina
Sa takot na wala na kong abutan pa
Sumakay ako ng fx pa-Quiapo
Sobrang excited ko
Walang traffic sa araw na yun sakto
Pagdating ko bg Quiapo
Takbo talaga ako sa Isetan
Akala ko nun maaga na ko sa ala-una
Dahil ang palabas ay umpisa pa ng alas-kwatro
Kaso pagdating ko dun dagsa na mga tao
At ang malapit sa entablado ay ambilis napuno
Sa height kong cute, alam ko mahihirapan na ko
Kaya lakad-lakad muna ako
Nag-abang ng tyempo
Nung lumabas si Piolo
Sigawan talaga mga tao
Sa kagustuhan kong makita aking idolo
Nagpabalik-balik sakay ako ng escalator
Para lang masilayan ko si Piolo!
Haha, yan ang aking kwento
Di ko makakalimutan ito
Dahil kay Piolo ko lang ginawa ito
Wag nyo kong i-judge pakiusap ko
Ang saya lang balikan mga kalokohang nagawa nung kabataan ko
Pero bata pa naman ako sa edad kong ito
Sabi ko nga sa anak ko
Stop na ko mag-add mula nung tumuntong ako ng bente-uno
Kaya pag may nagtanong sa edad ko, bente-uno ang sagot ko😁
Pero eto na nga mabalik tayo dun sa SANDALI
Dahil di ko na din alam kung ano ang gagawin ko
Gusto ko ng ipikit ang mata ko
Magtutuos na lang kami bukas
Kaso panay naman ang paramdam nito
Animo may kulog na dumadagundong
Kaya tatapusin ko na ito
At ako na ay tatayo
Dahil ramdam ko na talaga ang GUTOM KO!
Hay, akala mo multo na ano?
...^•°...
Salamat kaibigan at ikaw ay napadaan
Sensya na sa aking nakayanan
Gusto ko kasi magpaantok at ito ang aking napagdiskitahan.
Lead image is mine.
#originalcontent
Hahahaah. Akala ko naman naulan at may mga kulog 😅 naiimangine kita sa Isetan. Gusto ko din makita si Piolo at sumigaw ng "I love you, Piolooooooo". Hahaha