Pasensya

4 26
Avatar for bbghitte
3 years ago

Aba masarap yan sa umaga

O kaya naman ay merienda

Sabayan ng mainit na kape

Na timpla ni ate.

Ano? Mali?

Hindi ba pagkain?

Ah ok, sorry!

Hanggang saan nga ba aabot ang pasensya ng isang tao

Isang kilometro, dalawa o tatlo?

Pero yung kilala ko

Grabe, higit yata isang libo

Kung pano, di ko rin talaga maturo

Kasi ako, nasasagad wala pang isang minuto

Pero sya iiyak na lang nya

Magsasalita lang ng kaunti

Pero maya-maya okay na sya.

Ang kwento kasi ganito

Nagtayo si ano ng kubo

Tapos si isang ano sabi, baka gusto nyo din dagdagan ito

Dahil sa kagustuhang maibalik ang sigla sa baryo

Dayuhin ng ibang lugar kahit papano

Ayun, napapayag sila nito

Nang gawa na, itong isang kapatid

Nagpost sa fb

Sinabayan pa ng share ni gf

Ayun na nga, boom at nagclick!

Naglabas sila ng pera talaga

Na kung susumahin madami na sanang BCH yun

Lalo sana kung open-minded sya sa crypto

Eh di si unang nagtayo ng kubo

Lahat ng klase ng pagkain gusto masolo

Ayaw nga bigyan halos yung ibang pwesto

Pinagbigyan sila

Pero ilang araw pa lang dami ng reklamo

Bagal ng service, cancel order pa kamo

Kaya si kilala ko para di masira ang imaheng inuumpisahan

Sila kumakausap sa mga tao

Bigay ng libreng pagkain at kung ano-ano

Para lang mapahupa ang galit ng mga ito

Kasi sa tindi ng social media

Isang post lang sira ka na

Di na nila makikita kung anong mga nagawa mong maganda.

Ang usapan magbigay ng sampung porsyento

Sa net na kita dalawang beses sa isang buwan

Kaso ito na, bigayan na

Aba ang sabi ba naman wala silang kita

Eh barbeque nga nila bente pesos isa

Tapos ang liliit pa

Tapos sasabihin mo wala kang kita

Ni record wala?

Eh samantalang si kumander ay tindi humawak ng pera!

Tsaka alam ng mga empleyado tungkol sa porsyento

Pano mo iexplain sa kanila na ito lang ang ibibigay mo

Eh halos di na nga sila makakain sa dami ng tao

Hala, naloko na ano

Kabig lahat ang gusto

Tapos ang masaklap sila pa madami reklamo

Mga utak ay sarado.

Nakakafrustrate

Lalo pag nakikita mo si kakilala

Na ginagawa ang lahat para lang di masayang ang lahat ng effort nila

Na di lang mga dayo ang masaya

Kundi lahat ng empleyado

Di lang iilang tao

Kasi ang babalikan di naman dahil lang sa pagkain na inihain mo

Kundi dahil sa ganda ng view at serbisyo

Dahil kahit anong sarap ng handa mo

Kung ang tao mo ay barumbado

Tiyak isang araw lang lugi na negosyo.

Kaya si kakilala

Iiling-iling na lang talaga kanina

Mas matindi pa ang stress nya sa kanila

Kaysa sa regular work nya.

Kaya dasal ko

Sana Lord sya ay gabayan Ninyo

Na ang pasensya nyang isang libo

Ay habaan Nyo pa po

Ng mga hangarin at adhikain nya ay magkatotoo

Dahil di naman sarili ang iniisip nito

Kundi pinaglalaban nya lang

Kung ano ang tama na para sa tao.

...^•°...

Hanggang dito na lang kaibigan ko

Sakit na ng ulo ko

Bukas na lang ulit at magandang gabi!

Lead image is from Unsplash!
#originalcontent

4
$ 0.58
$ 0.37 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @OfficialGamboaLikeUs
+ 1
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Hahahaha. Ang kulit ng kay Firenze. Yan ang mahirap sa ganyan. Sakim na yun kapag ganun di ba? Gahaman? Sana marealize niya mga ginagawa niya habang maaga pa. Sayang din lang kasi ang pagpopromote sa lugar kung masisira lang din dahil sa kanya/kanilang mag-asawa. Yan yung mga hindi magandang maging leader. Very very wrong.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga, stress si ate..hehe

$ 0.00
3 years ago

Sino ba yn, sugurin na yan...nakooo napakahirap ng ganyang senaryo. Ba yan pate ako ngrhyme hahahah

$ 0.05
3 years ago

Hahaha, grabe talaga sis!

$ 0.00
3 years ago