Napapaisip

0 10
Avatar for bbghitte
2 years ago

Kanina pa ko napapaisip

Nag-iisip ng nag-iisip

Ano kayang magandang topic

Subalit ni isang idea ay ayaw pumitik

Kaya idadaan ko na lang sa bugso ng damdamin

At sa daloy ng aking malikot na isip

Na sa oras na ito ay sobra pang gising na gising

Na akala mo di napagod maghabol ng mga chikiting

Na sobrang lilikot buti na lang mga cute

Sumasakit na nga balikat ko

Kailan lang ako ay nagpahilot

Kaso day, lumala naman

Balikat ko ay di ko maiangat

Na tila ba ang braso ko ay sobrang bigat

Ang muscle ay sobrang tigas na kahit magsuot ng damit ay talaga namang napakahirap

Iniisip ko bumalik sa manghihilot nung nakaraan

Pero sinabihan ako ng aking kapatid wag na lang

Bagkus ako ay kanyang binilhan

Ng hot compress, yun daw ang aking tyagaing ipatong sa aking brasong nasaktan

Sobrang sakit talaga besh, siguro mas masakit pa to nung iniwan ka ni ano

Pero eto awa ng Diyos naigagalaw ko na ito

Di pa todo pero onti na lang feeling ko bukas magaling na magaling na ito

Dahil ang anak ko eh namimiss na daw magpabuhat bago matulog sa gabi

Na kahit kantyawan ng mga kapatid ko

Eh lagi nyang sinasabi yung nabanggit ko

Na hanggang paglaki nya eh bubuhatin ko pa din sya kasi sya ang treasure ko😊

Napapaisip tuloy ako, mali yata yung nasabi ko...hehehe

Pero ganun talaga ang mga mommy

Hanggang sa paglaki, mga anak ay kanila pa ding mga baby

Laging wish na ang pagiging sweet ay madala hanggang sa sila ay magsilaki

At di mahihiyang ipakita yun kahit madami pang nakatingin

Nga pala, ma-share ko lang

Kagabi kasi mag-isa lang syang nagdrawing

Kasi nga hirap ako sa braso ko

Kaya sabi ko sya muna at usap muna kami ni daddy

Naintindihan naman nya at panay sabi ako ay gumaling na

Akala ko mga dress o kung ano ang ginuhit nya

Yun pala ay may pasurprise sya

Art made with love

Sabi nya special daw ako kaya ito ang gift nya

Pero wag ko daw sabihin kay daddy kasi baka magjealous

Pero dahil natuwa ako, pinicturan ko at sinend sa daddy.

Napakaswerte ko talaga sa aking prinsesa

Na araw-araw eh ginugulat kami sa mga witty and antic jokes nya

Napapaisip tuloy ako, sakin ba sya nagmana? Heheh

Naku napahaba na yata ang aking naisulat

Kaya akin ng puputulin at ang mata ko ay papunta na sa pagiging tantalizing.

Salamat ulit kaibigan at ikaw ay napadaan.

Images are from Unsplash and mine.
#originalcontent

4
$ 4.83
$ 4.81 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @charmingcherry08
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments