Minsan

2 28
Avatar for bbghitte
2 years ago

Minsan ang sarap isipin na walang problema

Lahat ng nangyayari sayo eh naaayon sa kagustuhan mo

Na pwede mong piliin ang ending ng istorya mo.

Minsan maganda mangarap

Mangarap ng gising

Habang kasama ang mga mahal natin

Walang sakit, walang covid.

Masarap iextend ang panaginip

Lalo kung masaya, magaan, maaliwalas

Kaso laging may panira

Ibabalik tayo sa mundong puno ng gulo at masasamang balita

Gaya nung nakaraan

May pinatay sa kabila

Di lang iisa ang tama kundi apat napu at walo pa

May mga nakakita kaso ayaw magsalita

Kasi baka pati sila ay madamay pa.

Yung si kapitbahay na chismosa

Ayaw pa din manahimik

Panay pa din ang bira

Na kesyo ganito, ganyan, hay ano ba!

Pero ano nga ba ang ating magagawa

Ke panaginip o totoo man ang ating kwento

Kailangan pa ding magpatuloy ang mga kabanata nito

Ganun talaga, minsan maganda

Pero may mga magugulo din talaga

Na ang hirap ayusin kasi nagkabuhol-buhol na

Na kung pwede lang deadmahin na

Kaso babalik at babalik pa din talaga sa simula

Kung saan kailangan ayusin anumang gusot na pilit mong tinatalikuran

Kaya minsan, maganda talaga matulog muna

Magpahinga at huminga

Kasi mahirap iwas ng iwas

Mga kwento talaga ay kailangan ng wakas

Pero bat yung Ang Probinsyano?

...^•°...

O sya kaibigan, napadaan lang ako

Salamat sa pagbisita mo

Pakisagot nga please yung tanong ko🙂

Lead image is mine.
#originalcontent

5
$ 1.62
$ 1.26 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @leejhen
+ 3
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty

Comments

Nakakalungkot nga lang talaga ang realidad. Na minsan ay talagang mas masarap ng mangarap ng gising na kung saan ikaw ang bida sa istorya at lahat ay tamang good vibes. Parang feeling ko napapatula o nagtutula ako. Hahahaha. Sana lang talaga kung hindi man mawala ang kasamaan sa mundo ay manaig ang kabutihan.

$ 0.00
2 years ago

Hehehe, senti Sabado ano sis...

$ 0.00
2 years ago