Layo ng tingin

4 12
Avatar for bbghitte
3 years ago
Pamangkin

Layo ng tingin

Akala nag-iisip ng malalim

Pangiti-ngiti pa kunyari

Nasilip ko naman siya ay bungi.

Biro lang, buo pa naman

Gusto ko sana syang batukan

Dahil kanina ko pa tinatawagan

Ako ay di nya man lang magawang tignan

Ano ba ito

Tanong sa isip ko

Napakaseryoso, akala mo naman ay totoo

Maya-maya sya ay biglang tumayo

Oh ate, anong iniisip mo?

Ikaw kako, kanina pa ako tawag ng tawag sayo

Kaso para ka namang rebulto

Di naririnig kahit anong sigaw ko

Ano ba kasi iniisip mo?

Ah wala ate kamo

Pinagpaplanuhan ko lang san ko gagastusin napanalunan ko sa pusta sa NBA nanalo kasi manok ko

Hay naku na lang nasabi ko.

Pagdating ng merienda

Ikaw ay nagtawag na

'Merienda time' sabi mo nga

Paglabas isang kalderong arroz caldo iyong dala

Natakam naman ako ng bahagya

Napangiti tuloy ako bigla

Nung naalala ko nangyari nung umaga

Nag-isip ka pa talaga, arroz caldo lang pala

Nag-expect pa naman ako ng pizza sana

Ikaw kaibigan, pumusta ka din ba kanina?

...^•°...

Salamat sa pagbabasa sa aking tulang-kwento na hango sa tunay na nangyari kaninang umaga.

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Tiga saan ka sis? haha. Natawa ako sa word na kako 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Ilocos sis..di ba un tagalog? Haha

$ 0.00
3 years ago

Tagalog hehe.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

😁

$ 0.00
3 years ago