Gusto ko sumigaw
Mag-ingay, at gumalaw-galaw
Pero tila ba ako'y napipi
Walang lumalabas na ni isang salita sa aking labi.
Ayoko ng ganito
Tahimik, malungkot, nakakatuliro
Gusto ko masaya, nagmamahalan at walang gulo
Pero bakit ba nagkaganito
Bigla na lang nagsipagbago.
Nakakabingi!
Nakangiti pero di buo, ang hirap itanggi
Na tayo ay may problemang malaki
Iwasan man natin ay sadyang sasabog na sya sa ating mga harapan
Na kung di natin pag-usapan ay di ko na alam.
Pamilya tayong huwaran
Mga tao gusto tayo tularan
Papuri kahit saan, pero ano na?
Bakit parang tayo ay biglang nagkanya-kanya?
Asan na ang turo ng ating mga magulang
Magbigay galang, mapakumbaba, magmahalan
Luha ko'y gusto ng bumagsak
Di sa galit pero sa hinagpis
Sadyang masakit makita ang ating inang nagtatangis
Pinipilit magpakatatag, maging maayos ang lahat
Pero ang puso mo ay napakatigas
Kahit anong pagsusumamo ay di ka natitinag
Kabutihan mo lang kanyang pangarap
Mahal ka nya, mahal nya tayong lahat
Nakakadurog ng puso
Parang ang yakap ko ay di sapat
Para ibsan ang sakit ng iyong pagtalikod
Pamilyang sa iyo'y humubog
Isang iglap lang ay iyong binugbog.
Oo kapatid, gusto kong sumigaw
Ang lungkot na iyong dulot ay nag-umaapaw
Mga ngiti at tawa ay sadyang di na sapat
Sana mahanap mo sa iyong puso ang pagmamahal na dating mong naramdaman
Sana di tuluyang mabalot ng galit o kung anuman
At patuluyin mong dumaloy ulit ang alab at init ng taglay nito
Di dahil pamilya tayo, kundi dahil mahal na mahal ka namin kapatid ko.
Ipinagdadasal ko
Sa Poong Maykapal kapatid ko
At sana ay dinggin agad ito
Dahil baka di ko na kayang piligan ang luha at mapapasigaw na talaga ako.
...^•°...
Salamat sa pagbabasa sa aking kwentong tula
Minsang lang dapuan ng inspirasyon ang nagpupumilit maging makata
Wag ka na tumawa, alam ko di ako ang pang-idolo
Pero minsan masarap talaga magsulat para nalalabas ang damdamin mo
Kaysa naman sariliin lang ay baka sakit pa abutin ko
Hanggang sa muli mga kaibigan
Salamat at ikaw ay napadaaan.
...^•°...
XOXO,
bbghitte
Lead image is mine.
#originalcontent #readcash #noisecash
OMG, am not really good with writing in Tagalog. Parang... I failed sa Pilino subject. 😍
So talented is @bbghitte. 🧡🧡🧡