Nagising ako ng ala-una
Napakaaga, sarap pa ng tulog ng aking mga kasama
Gusto ko sana bumalik agad ng tulog
Dahil wala naman akong gagawin pa
Subalit ako ay nahila
Ng kapangyarihan ng aking cellphone
Kaya ako ay napabrowse muna
Sa mga online raket na sa akin ay madalas nagpapaabala
Napasilip lang ng kaunti
Tinamad naman akong magcomment
Panigurado tulog pa ang mga Pinoy nating friends
Lumipat ako sa kabila, kaso ganun din
Wala pa din ako sa mood magpost at makichika
Kasi sigurado wala ng sasagot kasi anong oras na
Kaya dun na lang ako tumambay
Sa aking paboritong laruin, ang Candy Crush
5 lives pa, ang saya-saya
Kaso ambilis naubos
Buti na lang may free life
Kailangan mo nga lang manood ng videos
Kakalaro ko ng kakalaro
Di ko namalayan ang oras
Alas dos na pala!
Luh, naadik na naman si ako
Sa dami ng life na naubos ko
Di man lang umusad ang level ko😁
Pero bukas, susubok na naman ako
Pasasaan ba at makakalagpas din ako.
Ganyan si life
Try and try until you succeed ika nga di ba
Kung di tayo magtatyaga
Wala talaga tayong patutunguhan
Hanggang madaming chances na ibibigay
Grab lang tayo ng grab, subok ng subok
Minsan nakakafrustrate
Minsan nakaka-drain
Na gusto mo na lang iwan at sa iba naman mag-try
Kasi inisip natin di para satin
Pero kakaiwas at kakaiwas natin
Di natin mamamalayan binabalik tayo ni pagkakataon dun
Na tila ba may pinapahiwatig na something
Na kung titignan natin parang wala naman bearing
Na kung tutuusin andami ng oras ang nasayang natin
Pero bukas makalawa, marerealize natin
Ay ang bongga pala
Ito pala yun, may pasurprise pala si Lord
Ay deserve ko pala ito
At tayo na lang ay mapapa-thank you!
Kaya kaibigan wag ka mag-giveup
Laban lang ng laban
Araw-araw tayo binibigyan ni Lord ng chance
Wag natin yun sayangin at itake for granted
Pag di tayo sigurado, dasal tayo
Kung sa tingin di mo alam ito, dasal tayo
For sure, ipapakita ni Lord satin ano ang purpose nito
Ituturo nya satin kung papano.
O sya, 2:30 na
Ako ay out na muna
Salamat ulit sa pagbabasa.
Lead image is from Unsplash.
#originalconten
Yayy, na econnect pa nga si candy crush sa life ee yiehh haha pero tama naman. Pag walang tyaga di tayo makakaalis sa baba. Kailangan nating gumalaw para maka move ganern.
Nga pala, nag 0 ang like nitong article mo. May nang dv sayo oi.