Tama ka sa iyong nabasa
Ako ay nagbabalik
Pero para sa ngayon lang
Di kasi ako makatulog dahil sa hindi ako antok
Kundi dahil ako ay nagbabantay
Mapuno ang timba at batya
Dahil sa kabilaang tulo ng tubig na dala ng ulan
Di naman ako sa nagrereklamo kaibigan
Mas gugustuhin ko naman na ako na lang ang mahirapan
Kaysa ang nanay kong syempre ay may edad naman
Alas-dose pasado na
Tik-tok tik-tok sabi na ng orasan
Umaga na kaibigan
Yung antok ko kaninang alas otso pa lang
Ay nawala na ng tuluyan
Salamat sa kape na inihanda ni nanay
Tapos na ko mag-ingay sa kabila
Nakanood na ko ng mga vlog ng kung sino-sinong bida
At wala na ko ibang maisip na paglibangan
Kaya eto, magsusulat na lang.
Ilang linggo na nga ba, o buwan na ba?
Namiss ko din pala
Magsulat ng medyo mahaba-haba
Tulang-kwento na minsan walang kwenta
Minsan naman ay dama lalo pag ang utak at puso ko ay gumana
Bat nga ba ako nawala?
Secret! Hahaha
Pero sa totoo lang, napagod lang ako
Gusto ko magfocus sa ibang bagay na sa tingin ko ay mas magiging masaya ako
Yung mas bukal sa loob ang ginagawa ko
Yun bang di ako napepressure dahil sa mga nababasa ko
Masyado ko kasing dinibdib mga pangyayari
Na di naman talaga ako kasali
Na-carried away ba si ako.
Pero ayos lang naman, masaya naman ako sa desisyon ko
At may mga goals akong kahit papano ay na-achieve dahil sa ginawa ko
Minsan kailangan natin ng ganun
Umiwas sa mga bagay o tao na feeling natin ay nagiging balakid na
Or yung spark ba ay nawala na
Kailangan mong lumayo muna at magrecharge ba
Kung tutuloy ka pa ba or tuluyan mo ng iiwan sya
Dahil minsan kung nasa kahon ka
Di mo makikita ang ganda na naghihintay sa labas pala.
Ayon, tumila na yata ang ulan
Wala na kong naririnig na tubig na pumapatak
Pati tunog sa balde at batya na plak-plak!
Silipin ko nga muna at ng makasigurong bukas ay di kami binaha
Ang inaalala pa naman ng anak ko kanina
Pano daw pag wala akong tulog
Pano yung almusal nya at baka daw ako ay gegewang-gewang maglakad
O di naman kaya ay di na kami makapaglaro dahil bukas ay tulog ako
Hay, ang cute nga naman ng batang ito.
O sya mga kaibigan
Salamat at ikaw ay napadaan
Salamat at di mo ko nakalimutan
Hanggang dito na lang muna
Dahil ako ay magsasaod muna at ng makatulog na
Gandang umaga!
Lead image is mine.
#originalcontent
kaya ayokong basahin kasi napapatulala ako ay napapatula pala haha, anyway, salamat naman at na motivate ka ulit magsulat.
parang alam ko ang secret na yan ah, akala ko lang... 😁