read.cash Log in
@badzj05 more from that month

Sakit

Naranasan mo na bang masaktan? Hindi sa pisikal na paraan ngunit sakit na dulo't ng iyong emosyon. Kadalasan ito'y mas masakit pa, nagdudulot ng pilat na hindi madaling mabura. Kahit ano pa man, ito'y hindi maiiwasan. Daraanan at kung gaano katagal, sayo nakasalalay. Maaaring mabilis o mabagal depende sa iyong pagalalay. Wag mong dayain at ito'y hindi mo maaaring madaliin. Darating ka sa paroroonan at lilingon ng walang hapdi o bakas ng nakaraan. Hindi kelangan malungkot, may bahagharing naghihintay pagkatapos ng bawat unos.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.