Kay saya pala panuorin yung Demon Slayer. Aayaw-ayaw pa ako dati dun, palagi na kang scroll up pagnakita sa ko yan sa newsfeed. Sinimulan ko lang naman panuorin kaninang 4pm, ngayon episode 12 na ako. Ayoko pa sanang tumigil pero may gagawin pa pala ako. Hahaha. 🥰
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Ako rin po nung first time ko siya panuurin, ganyan din! Tapos naisunod na ang movie at pagkatapos, nung ang tagal ng anime, umabot na sa manga kasi hindi na makapaghintay. Hahaha! Kaya ngayon po, sa manga na ako, pero di ko pa tapos. Good thing is, completed na po yung manga niya so no more waiting! 😊
Mukhang diyan din ako aabot. Naghahanap pa naman ako ng magandang manga na mababasa ngayon. Nagsawa na kasi sa Chinese webcomics, kakasawa puro drama. Hahaha
Oo nga po eh, ang daming magaganda! Kaya di na rin ako nakaride sa Kdrama craze kasi even before that, hooked na ako on everything Japanese. Started sa anime in my childhood then slowly worked my way up to Jdramas to Jpop. By the time sumikat ang Kpop, I was waaay too deep na to take up another fandom. 😅
Hahaha, ako din. Mula pagkabata anime na kinagisnan. Nagtry lang naman ako ng chinese webcomics kasi wala na akong makitang manga na pasok sa trip ko. Binabalikan ko palagi Japanese acoustics at rock haha.