Meet my children..... Ang panganay kong anak ay si Grace. I name her Grace because she is Grace from God. Masipag na bata, pagkagising nyan nagwawalis na yan sa loob at labas ng bahay. Tapos magsasaing din. Di mo na kailangan pagsabihan kung ano ang gagawin nya. Ang problema lang medyo madamot at hilig magwaldas ng pera,,. Ang pangalawa ko namang anak si Gerald, I name him Gerald kasi sikat si Gerald Anderson noon. Mapagbigay at mahilig maghanap ng mapagkakitaan. Kapag nagkapera yan binibigyan nya ang mga kapatid nya. Minsan kung walang ulam pera nya ang ipagbibili nya ng ulam. Ang problema lang sa kanya, mahilig magmurmur sa mga gawain sa bahay. Ang pangatlo ko namang anak si Joseph, pinangalan ko siyang Joseph dahil gusto ko na maging kagaya siya ni Joseph the dreamer na magaling at mabait. Mapagbigay din naman siya. Kahit inaaway siya ng kalaro nya basta may pagkain yan binibigyan nya ang mga nang-aaway sa kanya. Yan ang mga anak ko. Bigay at biyaya sila ng Panginoon.
No comments yet