Malalim na ang gabi at hindi kami makatulog ni hubby. Si father-in-law kasi palaging tinatawag ang pangalan ng asawa nya. Tapos kung pupuntahan naman ni hubby at tatanungin anong kailangan nya, ang isasagot naman nya "Asan ba si Marjun?" Sasagotin naman sya ni hubby bakit nga anong kailangan mo pa? Sabi naman in law bakit ang tagal mong umuwi? Paulit ulit ito.... Tapos ngayon naman tinawag nya ang pangalan ng iba pa niyang anak.... Pinuntahan na naman siya ni hubby at tinanong. Ang sagot nya nasaan si Amy? Ako naman ang hinanap nya. Pangalan ng asawa nya, mga anak nya at ako ang hinahanap nya. Nakakaawa si papa kasi he is suffering sa sakit nya kaya siguro tinatawag nya kami. Ilang araw na siyang dalawang kutsarang kanin at ulam ang kinakain dahil para daw siyang maduduwal kapag kumain. Masakit din ang lalamonan nya. Nakakalungkot talaga.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet