read.cash Log in
@amyfe more from that month

Nakakalungkot isipin bakit ang mga magulang ay kinakalimutan ng mga anak? Dahil ba masama ang kanilang mga magulang? Dapat nating isipin na dahil sa mga magulang natin kaya tayo nabubuhay sa mundong ito. Sana naman wag natin ipagkait sa kanila ang ilang oras lang na hinihingi nila na makasama tayo. Ang sikip ng dibdib ko nang makita ko ang mga magulang ng aking asawa na umiiyak dahil miss na nila ang kanilang mga anak. Ang beyanan ko na babae kahit stroke siya ay unti unting humahakbang patungo sa bahay ng isa pa niyang anak. Noong nilapitan ko siya at pinabalik sa bahay ay umiiyak ito dahil gusto niyang makita ang bunso niyang anak. Nakakalungkot talaga. Sana mahalin natin ang ating mga magulang mabuti o masama man sila.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.