Bakit ba may mga anak talagang hindi naawa sa magulang nila. Ilang beses ko nang pinatawag yong mga kapatid ni hubby dahil nga sumusuka ng sumusuka yong papa nila. Yong mama naman nila umiiyak na. Ilang araw na din na dalawang kutsarang kanin nalang ang kinakain ng papa nila.Wala din kasi si hubby dito dahil nagpa vaccine. Sinabihan ko na sila na dapat nang i admit yong papa nila pero ayaw nila tapos ganito gagwin nila hindi pa rin nila dadalawin dito sa bahay ang papa nila. Iniwan kami ni hubby na walang makain. Anong ipakakain ko dito sa mga magulang nila? Okay lang naman yong mga anak ko kakain lang naman sila ng toyo at mantika ang ulam pero itong mga matatanda ay kailangan ng ulam.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet