Tinuturuan ko ang anak ko sa kanyang module. Ang instruction ay kulayan ang hayop o bagay na hindi nagsisimula sa letrang Zz. Noong binigyan ko sya ng kulay na green para sa palaka sabi nya sa akin "ma, kawawa naman yong palaka hindi tama yong kulay nya. Wala namang kulay green na palaka ma." Di ba noisers may kulay green naman na palaka? Sa pangalawang kahon naman sabi nya na kawawa daw yong ahas dahil mali ang ikinulay sa kanya. Karamihan kasi sa mga ahas na nakikita nya sa paligid namin ay kulay itim, brown at green. Ako pa ngayon ang sinabihan nyang mali-mali naman ang itinuro mo sa akin ma 😅.
No comments yet