read.cash Log in
@amyfe

@amyfe in October 2021

@amyfe

Done to my labahan..... Module na naman ang aatupagin ko. Dumating na kasi yong bagong module ng anak ko na kinder. Buhay nga talaga ng mga nanay oo. Ang hirap din minsan pero kinakaya naman sa tulong ng aking asawa at mga anak.

@amyfe

Thank you madam @pamish sa another blessings na ibinigay mo. God bless you always....

@amyfe

Done na din mag cut ng mga kailangang e- cut. Mabuti pa yong guro nila may time pang mag binggo sa paaralan nila kasi yong trabaho nila ibinigay na nila sa mga parents ng mga estudyante. Binibigyan nalang nila kami ng instruction kung paano ipa intindi sa mga bata ang leksyon. Paghatid ni hubby ng module ng anak ko hay! Humingi ng pasensya ang guro dahil nag binggo pa sila ng kasama nyang guro. Sana bumalik na sa normal ang lahat para naman may matutunan talaga yong mga bata.

@amyfe

Mga karton na naman ang e - ka cut ko. Gagawa kasi ako ng flash cards para sa aking estudyante.

@amyfe

Done to flash cards..... Ang pagtuturo na naman ng anak ko ang po-problemahin ko. Nakaka pagod din ang ganitong set up noisers no. Parang gusto ko nang sumuko pero ang tinatanim ko sa utok ko para ito sa kinabukasan ng aking mga anak kaya laban lang. Matatapos din ito at babalik din tayo sa normal. Tiwala lang....

@amyfe

Dinner time.... Ulam namin paksiw na isda...as usual si hubby ang nagluluto. Ganyan nya kami ka mahal. Siya pa ang naghahanapbuhay,siya pa ang nagluluto ng ulam.

@amyfe

Mata ko'y pipikit na pero utak ko gising pa...... Naadik na naman ang inyong chubby noisers sa mga videos sa facebook kaya ito gising pa. Marami din kasing magagandang video ang makikita mo sa fb, gaya ng mga pusa at aso na nagkukilitan. Pero kanina ang mga babies na genius ang pinanood ko. Pero kailangan nang taposin ang panonood para matulog na dahil nagagalit na si hubby dahil ingay daw ng cp di sya makatulog at maaga pa siyang gigising.... Nighty night noisers......

@amyfe

Ginising ako ng isang masamang panaginip. Parang totoo talaga kasi tagos sa puso yong nararamdan kong sakit. Huwag naman sanang magkatotoo iyon dahil hindi ko talaga kayang mawalan ng anak. Ang sikip-sikip ng dibdib ko...hu!.... Iinom nalang muna ako ng tubig. Mas okay sa akin na ako ang mawala kaysa ang anak ko ang mawala sa akin.

@amyfe

Done na din maligo, sa wakas....... Feeling fresh na. Ngayon lang nakaligo dahil nagturo pa kasi ako sa anak ko. Inuna ko ang pagturo sa kanya habang di pa siya na kapag- simula na maglaro. Alam nyo naman ang bata kapag nakapagsimula nang maglaro ayaw nang tumigil.

@amyfe

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kanina grabe ang init ng panahon. Ayon ang mga bata agad na naliligo sa ulan.

@amyfe

Done na sa pictorial ang anak ko....hehehehe....pictorial talaga! Sabi kasi ng guro nila na kailangan kong magpass ng picture ng anak ko para daw sa feeding information nila tsaka height and weight.

@amyfe

Baha is real.. Grabe ang lakas ng ulan.... May bagyo ba o low pressure? Ang init naman kanina. May butas pa yong bobong namin kaya pati sa loob ng bahay basang basa sa ulan. Malalim na pala ang gabi noisers,di ko man lang namalayan. Ako'y matutulog na. Nighty night noisers.

@amyfe

A rainy morning to you noisers. Ang sarap magkape kapag malamig ang panahon.

@amyfe

Kaya pala umuulan ngayon dahil may bagyo noisers na pumapasok sa Pilipinas. Ingat ingat tayo noisers para malayo tayo sa sakuna. Lalo na 'yong nasa bukirin banda. Nagtext din ang NDRRMC kagabi na mag-ingat dahil maaring magbaha at maglandslide dahil sa lakas ng ulan.

@amyfe

Nagpapasalamat talaga ako sa inyo noisers. Salamat sa supporta. Maraming maraming salamat madam @Mhacey sa kabuhitan mo. God bless you always madam.

@amyfe

Tanong ng anak ko noisers kung ang pancit canton ay may kasama bang pan or tinapay sa tagalog ang pancit canton.... ???? Napaisip ako kung bakit nya natanong iyon. Sabi naman ng anak ko" diba ma pan- cit canton , so may kasamang pan ang pancit canton.". Grabe yong tawa ko kasi di ko akalain na maisip iyon ng limang taong gulang na anak ko.

@amyfe

Malamig na umaga noisers..... Ang ganda ng tulog ko dahil ang lamig ng panahon kaso umaga na, ginising ako ni hubby para magkape. Sarap inumin ng kape bagay sa lamig ng panahon.

@amyfe

Module time na naman. Coloring their kindergaten banner. He is enjoying basta coloring, ang hate nyang gawin ang magsulat ng kanyang pangalan.... Nahihirapan pa siya dahil hindi ko kasi siya naturuan ng maaga., Ngayon pa lang na nag-aaral na siya. Pero laban lang nak.

@amyfe

Korean noodles para sa malamig na panahon. Dala ni hubby kagabi. Bigay ng aming butihing mayor. So spicy, ang sarap nyang kainin noisers. Ngayon pa lang namin niluto.

@amyfe

Ang isa ko namang anak ang tinulungan ko sa module dahil ang dami pang hindi nya nasagutan tapos ngayong biyernes na ipapass ang module nya.

@amyfe

Laban lang.... Matatapos din ang lahat ng ito..... Pero kailan kaya😅. ? Kapag natapos na nila ang module,may darating na naman na bago. Minsan nakakapagod na pero kailangan talagang taposin kahit napapagod na..... I salute to the parents na hindi sumusuko sa mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay at sa mga estudyante na patuloy na lumalaban kahit nahihirapan na.

@amyfe

Nakaligo na din sa wakas. Bukas naman yong ibang module dahil nagreklamo na mga anak ko sa pagsusulat.... Relax na muna ako....

@amyfe

Salamat at di na umuulan ngayon...... Sana tuloy tuloy na ang magandang panahon. Ang hirap kasi kapag maulan lalong madumi ang sahig dahil mga anak ko labas pasok sa bahay at ayaw paawat. Nakakatamad din kapag ulan, dahil malamig ang panahon, masarap nalang matulog ng matulog.

@amyfe

Masakit na ang mata ko sa ka laro. Di ko namalayan ang oras, malapit na palang mag 10pm. Nighty night noisers, kailangan ko nang magpahinga para naman may lakas ako na harapin ang bukas. Maraming labahan at module ang naghihintay sa akin.

@amyfe

Puto at gatas para sa umaga.... Minsan lang makabili si hubby ng puto kasi nga mas mahal siya kaysa tinapay.... Masarap talaga ang puto lalo na kapag choco yong pares.

@amyfe

Makulimlim na umaga noisers.... Malapit na ding matapos maglaba. Tapos na ako sa mga kumot, ang mga damit nalang ang nilalabhan ko.... Sana lang hindi uulan ngayon para matuyo naman ang nilabhan ko.

@amyfe

Hindi talaga mabuti ang aabusohin ang ating katawan dahil tayo rin ang magsu-suffer. Masama ang pakiramdam ko pagkatapos kong maglaba kanina. Ang bigat kasi ng bedsheet noiser. Magpapahinga ako ngayon ng maaga para bumalik ang lakas ng aking katawan. Nighty night noisers.

@amyfe

Nagsimula na namang umulan. Naglandfall na siguro yong sumunod kay bagyong Lanie noisers no? Buti nalang kahapon ay nakapaglaba ako, kaso di pa pala natuyo kasi walang init ng araw kahapon. Makulimlim rin ang kalangitan kahapon pero walang ulan.

@amyfe

Hanggang sa oras na ito, pinabasa ko ang anak ko dahil may virtual oral reading sila every week. Ang alam ko oral reading ang pinakamalaking porsyente sa grades. Na pressure ako ng sandali kasi mas na focus ang anak ko sa phone. Kaya ngayon pinabasa ko siya paulit ulit at pinasagutan ang mga tanong. Isa din sa nakapressure sa akin ay ang guro ng anak ay guro ko noon. Hehehe.... Noong nagtanong ang guro ng anak ko sa aking hubby kung ano ang fb account ko., sinabi ni hubby…

@amyfe

Time to take some rest. Done na din akong magpabasa sa aking anak. In my observation naintindihan naman nya ang binabasa nya dahil nasagutan naman nya ng tama ang mga tanong. Stress day is over. Nighty night noisers.

@amyfe

A rainy morning noisers. Nakakatamad na umaga dahil malamig ang panahon. Maputik ang daan. Yong mga pusa labas,pasok sa bahay tapos ang dumi nila....... Papasok pa ba ang bagyo noisers or palabas na ng bansa?

@amyfe

Maagang nagmodule ang anak ko dahil gusto na niyang pumunta sa bahay ng lola niya. Birthday kasi ng lola niya kaya pupunta siya doon sa bahay nila mama. Kahapon pa siya excited na pumunta sa bahay ng lola niya.

@amyfe

Happy 56th birthday to our mother. Praying for more birthday's to come. She is not perfect but she is the best mother for us. We love her and care for her.

@amyfe

Birthday cake for our mother. Puro matatamis ang handa namin kanina para matamis ang buhay nila mama😅.... Mahilig talaga kami sa matatamis.... Kayo noisers mahilig din ba kayo sa matatamis?

@amyfe

Di ba ang sarap ng almusal kapag ganito ang ulam? Tanong ng kapatid ko kahapon, bakit daw ito tinatawag na milk fish, sagot ko naman baka mayroong gatas yan na dala-dala😅. Hahahaha....just kidding... Diba milky naman ang laman ng bangus kaya siguro tinawag na milk fish ang bangus.

@amyfe

Mama's birthday celebration continues. Plano sana namin na maligo sa dagat kagaya noong birthday ni papa kaso may bagyo ngayon kaya sa bahay nalang kami. Kain tayo noisers. Letchon paksiw

@amyfe

Fresh buko...... Tanim ni papa yong coconut kaya kapag may bunga ginagawa namin na buko juice. Sabi nga nila kapag may tinanim, may aanihin. Sayang Di ako makaupload ng photos ngayon.

@amyfe

Fresh buko from the farm. Tanim ng papa ko. Gagawin namin ito na juice. Sabi nila gamot daw ang buko sa may UTI. Totoo ba yan noisers?

@amyfe

Pampa good vibes sa inyong gabi..." Buko juice". Oras na para magpahinga. Maaga na naman akong matutulog ngayon dahil bukas madami na naman ang gawain. Nakakastress din kapag naiisip ko ang mga kailangan kung gawin noisers kaya matutulog nalang ako. Nighty night noisers.

@amyfe

Early in the morning " module time". Habang di pa nakapagsimulang maglaro ang anak ko pinamodule ko muna. Alam nyo naman ang bata kapag nagsimula nang maglaro di na pa pipigil pa. Dami na namang kailangang ipadikit.

@amyfe

Natapos na rin sa wakas ang stick puppet na pinapagawa sa anak ko. So happy na nakipagcooperate ang anak ko. Kahit gusto na niyang maglaro ay tinapos pa rin nya ang gawain nya.

@amyfe

Kain tayo noisers. Chooks to go ang manok ng bayan😁. Sabi nila maganda daw ang manok ng chooks to go dahil all natural ang manok nila,walang ine inject nito. Ayaw mag upload ng picture.

@amyfe

Mata koy pipikit na. Stressful day is over again. Time to relax and gain energy. Nighty night noisers. Matutulog na ang inyong chubby noisers.

@amyfe

Laba pa rin kahit makulimlim ang langit. Marami na kasi ang mga labahan kailangan nang labhan kaya kahit makulimlim ang langit at may ulan paminsan minsan naglaba pa rin ako. Good morning noisers.

@amyfe

So happy na nakita ko ang aking anak na ten years old na nakabili ng kanyang sariling shorts. Kita nya sa pagkolekta ng mga basura ng aming kapitbahay. Ang mga binibigay nilang suhol ay iniipon ng anak ko kaya nakabili siya ng shorts. So happy as his mother and I am very proud of him.

@amyfe

Dinner time..... I cook for the first time and forever...... Nalasing kasi si mister kaya ako ang nagluto. Masarap naman daw ang luto ko sabi ng mga anak ko. So happy na nasarapan sila sa luto ko.

@amyfe

Kamusta noisers? Parang ang tagal ko nang di na ka pagpost na nangangamusta😅. Ngayon lang nakapag-ingay dahil madaling araw nagmodule kami ng anak ko pagkatapos niligo ko si in law. At ngayon naglaba naman ako sa mga kumot at damit nila. Such a busy day today noisers. Pero nakapag noise pa rin saglit.

@amyfe

Done na maglaba. Relax muna ako kasi sumasakit ang baywang ko. Basta maagang simulan ang mga gawain maaga din itong matatapos.

@amyfe

Napakasikip ng dibdib ko ngayon sa korean drama na hotel de luna. Grabe talaga basta korean drama tagos sa puso..... Ang ganda ng story nila.... Episode12 pa lang ako eh na lowbat na ang phone. Charge ko muna ang phone para tuloy ang panonood ko ng hotel de luna.

@amyfe

Time for me to sleep. Yong baywang ko hanggang ngayon sumasakit pa rin. Mukhang kailangan kong pumunta sa manghihilot. Mainit kasi kanina kaya I grab the opportunity para maglaba ng mga kumot ng mga in-laws ko. Kaya magpapahinga na ako ng maaga. Bukas ko nalang itutuloy ang panonood ng hotel de luna. Share ko lang pala ang paborito kong ulam. Alam ko ang ibang noisers ay hindi pa kumakain.

@amyfe

A sunny morning noisers.... How was your night? Me, I sleep well kahit nag brownout sandali kagabi dito sa amin. Pagkatapos kong magpost dito nag-brownout dito sa amin pero nakatulog pa rin naman ako ng mabuti. Wala naman akong na feel na mga lamok na kumakagat sa akin. Naglagay din kasi ako ng insenso kaya walang lamok.

@amyfe

Let us have some breakfast noisers. Ngayon pa nakapag breakfast dahil nagkape kanina. Luto ni hubby with love may sabaw na pansit for breakfast...... Love it

@amyfe

Luha ko'y gusto nang bumuhos pero pinigilan ko kasi anak ko nasa tabi ko. Nakakahiya kasi na makita ng anak ko na iiyak ako dahil sa k-drama..... Grabe talaga to oo , tagos talaga sa puso.

@amyfe

Thank you @jing143.... Salamat talaga sa inyo noisers. Di kayo nagsawang sumuporta sa mga kapwa noisers. More blessings to come to you madam. Maraming salamat

@amyfe

Let us have some breakfast noisers. "Paksiw" binigyan kami ni papa ng isda kahapon hanggang ngayon mayron pa kasi madami ang binigay nya. Salamat sa Panginoon at maraming huling isda si papa kahapon . Blessings....

@amyfe

Maulan na naman, may low pressure o bagyo na naman ba? Palagi nalang may delubyo na dumadating sa earth. Kaya ingat tayo lage noisers. Huwag kalimutang magdasal lage sa Panginoon.

@amyfe

Halos pare-pareho lang ang nakikita ko sa subscription na walang tips na natatanggap. May bagong update ba si noise.cash ngayon? May binago ba si noise.cash sa kanyang rules?

@amyfe

Salamat @noise.cash at bumalik na ang tips. May bago po ba kayong updates noise.cash?

@amyfe

Oras na para matulog noisers. Bukas ulit by God's will. Ang katawan ay napapagod din kaya kailangang ipahinga. Huwag kalimutang magpasalamat sa Panginoon. Nighty night noisers.

@amyfe

It brokes my heart. Hindi talaga mabuti na may hatred ka sa iyong puso dahil ikaw rin ang mahihirapan. Just give your forgiveness sa mga taong nagkasala sayo para magkaroon ng katahimikan ang buhay mo. Hotel de luna the best.

@amyfe

Malamig na umaga noisers. Grabe ang lamig ng panahon ngayon, nakakatamad. Pero kailangang bumangon dahil maraming labahan. May mga bagong module pa na dumating.

@amyfe

Done na ding maglaba. At the same time natapos na ding magturo ng module sa anak ko. So happy everytime may natapos akong mga gawain.

@amyfe

I love my new hair cut..... Just exploring new hair style😅...... Parang lalong bumilog yong mukha ko.....

@amyfe

Salamat kay noise.cash..... Nakabili ako ng damit ng mga anak ko. Kahit maliit lang ang natatanggap ko ay iniipon ko ito at ito na. So blessed.... Another remembrance from noise.cash.... Thank you @noise.cash.

@amyfe

Nakakalito ang bagong updates. Paano natin malalaman na may natanggap tayo na tips kung hindi ito ipakikita? Pasensya noisers pero mahina kasi ako sa mga ganyan. Pwedeng paki explain ng mabuti?

@amyfe

Salamat sa mga kapwa noisers na nag explain sa akin. Ako'y matutulog na. Bukas ulit noisers. Maraming salamat talaga... Loading kasi utak ko. Pasensya na noisers at maraming salamat.

@amyfe

Goodbye to my long hair...... Pwede ba tong gawing weg? Pahahabain ko pa sana ang buhok ko kasi gusto kong magdonate ng buhok kaso di ko alam saan yong lugar ng pagdodonatan ng buhok.

@amyfe

Napag tripan ang buhok ng anak ko. Palipas oras, dahil walang magawa sa buhay😅.

@amyfe

Nakakastress talaga sa akin na makita ang ngipin ng anak ko na nagdoble. Takot kasi siyang ipabunot ang ngipin nya. Katulad na katulad talaga siya sa akin. Pero noong kabataan di naman ako natatakot, ako nga ang bumubunot ng ngipin ko noon. Ay! Takot pala ako kapag nalaman ni papa kaya binunot ko ng palihim ang ngipin ko😅.

@amyfe

Ginising ako ng malakas na ulan.... Biglang lumamig ang gabi. Maganda ang tulog ko nito noisers. Nighty night noisers.

@amyfe

Makulimlim at the same time mainit na panahon noisers. Nagpakita ngayon si haring araw pero sa kabilang banda makulimlim. May bagyo na naman siguro kaya umuulan? Ang lakas ng ulan kagabi, buti nalang ngayon ay wala nang ulan. Kamusta naman ang araw nyo noisers?

@amyfe

Lunch time.... Ngayon pa lang nakakain ng lunch dahil ngayon pa nakabili si hubby ng ulam. Kain tayo noisers. Sa hindi pa kumakain dyan kumain na kayo para may lakas kayo buong araw.

@amyfe

Have you eaten your dinner noisers? Kami malapit na. Nagluto pa si hubby ng paksiw.. Maaga pa naman kaya hindi pa kami gutom. Ang iba siguro dyan pauwi pa galing trabaho at ang iba ay di pa tapos sa trabaho. Ingat kayo noisers

@amyfe

Laba day today........ Good morning noisers? How was your day? Mine, well, today is a busy day I think😅. Di naman masyadong marami ang lalabhan ko pero magtuturo pa ako sa anak ko sa kanyang module. Smile lang tayo noisers kahit nahihirapan. God will help us.

@amyfe

Thank you @SeannBlake.... God bless you. Thank you so much for your kindness. More blessings to come to you.

@amyfe

Time to sleep..... Masama pakiramdam ko ngayon. Pagkatapos kong maglaba kanina ay naligo ako at nagrelax. Pagdating ng hapon biglang tumulo yong sipon ko at palagi akong nababahing hanggang ngayon . Dapat talaga inuna kong maligo bago maglaba, ito tuloy ang nangyari sa akin. Lesson learned..... Masakit na ilong ko sa kapapahid.

@amyfe

What a wonderful morning. Thank you @pamish. Maraming maraming salamat madam. God bless you.

@amyfe

Kailangan kong matulog ng tamang oras dahil ilang araw nalang schedule ko na for second dose. Sabi nila dapat tama sa oras yong tulog mo at nakavitamins ka para hindi masyadong maapektuhan ang katawan mo. Nasa second dose daw yong grabe ang side effects. Kaya magpapahinga na ako.

@amyfe

Morning noisers. Thanks God for giving us another day of our life. Keep safe everyone. Let us making some noise.

@amyfe

Natingnan n'yo ba ang wallet n'yo noisers? Ngayon ko lang nacheck ang wallet ko. Ang daming na moved sa wallet ko na $0.02. Saan kaya yan napunta? Di kaya na hack yong wallet ko? Ngayong araw na ito ay $0.03 na ang na moved sa wallet ko. Nakakadismaya lang, halos di nga ako nakakatanggap ng 0.03 sa isang post tapos madededuct pa ang naipon kong wallet. Noong Oct. 19 $0.05 ang nawala sa wallet ko. Everyday may na mo-moved sa wallet, a total of $0.05.

@amyfe

Such a sad day!!!!! Ilang araw na pala akong nawawalan ng $0.05 sa aking wallet. Everyday nagde deduct ng $0.05 sa aking wallet. Hindi lang sa akin pati na rin sa aking hubby. Para saan kaya yang na moved sa wallet namin? Saan kaya yan mapupunta?

@amyfe

Give and take..... Binigyan ko ng prutas na tanim ni hubby ang kapitbahay ko tapos binigyan din niya ako ng coffee. Nagbibigayan lang kami kung sino ang mayroon. Sabi niya pampapayat daw ito.

@amyfe

Sa ka excited ko sa kape, uminom ako ng isa bago kumain kaninang dinner. Ito ang resulta, hanggang ngayon ay gising pa rin ako. Di ako makatulog. Dapat sana matutulog ako ng maaga para matanggal yong stress ko sa wallet ko pero nagkamali ako eh uminom ako ng kape😅. Iba kasi kapag bigay......

@amyfe

I slept around 3:00am dahil sa pag-inom ko sa kape. Pero nagising ako around 5:45am dahil sa tawag ng kalikasan hanggang ngayon di ako makatulog. Uminom na naman ako ng kape. Para akong high😅........ Good morning noisers... Positive lang dapat, past is past.

@amyfe

Dumating na naman ang bagong modules ng anak ko. Hindi pa nasimulan dahil busy pa ako sa paglaba. Kailangan nya kasing e assist dahil kinder pa lang s'ya. Malapit na palang tanghalian noisers. Nakapaghanda na ba kayo para sa inyong tanghalian?

@amyfe

What's up noisers!!!! Another day of our life to be thank of. Maagang nagising at di na makatulog ulit kaya dito nalang ako tatambay. Magbabasa ng mga post para naman may matutunan.

@amyfe

Maagang nagmodule ang anak ko dahil kahapon di siya nakapagmodule. Sumama kasi s'ya sa papa n'ya kahapon. Eh, ngayon ay umuulan kaya di s'ya nakasama kaya nagmodule siya.

@amyfe

Lunch time.....pero kami di pa nakapag lunch dahil bago pa lang nakapagsaing ng bigas. Well, hindi pa naman kami gutom dahil late na ding nagbreakfast. Kayo noisers nakapag lunch na ba kayo?

@amyfe

A rainy afternoon noisers. Akala ko hihinto na ang ulan pero hindi pala. Panandalian lang pala ang init kanina. Mga linabhan ko kahapon hanggang ngayon basa pa dahil walang init.

@amyfe

Oras na para matulog...... Nagtext na sa akin ang rhu for reminder of my second dose vaccine. Kaya kailangan ko talagang matulog sa tamang oras, dahil bawal daw na magpa vaccine kapag puyat o kulang sa tulog. Totoo ba noisers na mas matapang yong pangalawang dose?

@amyfe

Nanganak na naman ang pusa at dito pa talaga sa kwarto namin. Sa kumot ng anak ko siya nanganak buti nalang at di nahigaan ng anak ko.

@amyfe

Wala na pala akong natatanggap na tips dahil hindi na ako maka-tip😅. Sad but this is reality.

@amyfe

Nakakalungkot dahil yong bago at nag-iisang itim na anak ng pusa ay nawawala. May isang pusa din kasi dito na kumakain ng kapwa pusa. Baka pinuntahan n'ya dito sa kwarto at kinuha yung isang kuting.

@amyfe

I'm so nervous....... I need to conquer my fear of injection😅. This is for our protection so laban lang. Kakayanin ko ito.

@amyfe

Done to my 2nd dose vaccine. Sabi sabi hindi na daw magtatagal yong mga taong nagpa vaccine😅. Well, let's see.

@amyfe

Maraming nagkakamali dahil hindi nakikinig ng mabuti. Mainiton nga hapon ka noise.

@amyfe

I want to have a peace of my mind..... Many doubts came into my head.....

@amyfe

"Hindi maganda ang magbitaw ng masasakit na salita pero kung ito naman ang dahilan upang malaman mo ang nararapat at magmulat sa iyo ng katotohanan ay gagawin ko. " Kayo noisers gagawin n'yo rin ba ito?

@amyfe

Need to wake up positively. Yesterday is past, today is present and I need to focus for today. I can't forget what happened yesterday but I need to moved on.

@amyfe

Sometimes I feel like I am hopeless. People makes me feel that way but God give me hope. Everytime I felt hopeless I talk to God. And when I finished telling all to the Lord my heart and mind is at peace.

@amyfe

Sometimes your past will come back. Not because he/she wants to be your present again but to settled everything bad happened in the past. Good night noisers...

@amyfe

In our life there are lots of surprises. Some are happy being surprise but some are angry,sad etc... It depends on people how they handle the surprise.

@amyfe

Sorry wala talaga laman ang wallet ko di ako maka tip. Pinakamaliit na nga na tip sana pero not enough funds pa rin.

@amyfe

Who am I to judge people? Me, myself walk imperfectly....... Let us live a peaceful life and don't mind what others thinks of us.

@amyfe

Time to take a rest...... All day is so busy so now we need to relax and sleep. Nighty night noisers. By God's will, see you tomorrow...... Pray to God before going to sleep and forgive those who is hurting you so that you will have a sweet dreams .

@amyfe

A blessed morning to everyone...... Thank you @Genearns for the blessings. More blessings to you madam.

@amyfe

A boring day...... My kids are not here, they are in their uncle and auntie's...... So quite, walang nag-aaway na mga bata. Nakaka-miss na agad.

@amyfe

I was sharing a post in facebook and give some of my insights about the post..... After I posted it someone commented on my shared post and it shocks....... I never pointed people on my post, I only give my opinion on it..... Why do some people think that post is for them? I only read it also in fb and shared and give my opinion why are they hurts? And telling me" it is easy to you to judge people but your own mistakes you cannot on guard..... I know what are my mistakes and…

@amyfe

Dinner is ready. My beloved husband prepared for our dinner. I admit that I am lazy, very lazy..... So blessed to have a husband that love me so much......even I am lazy...... Can't upload the photos.

@amyfe

A good morning message doesn't only mean " Good morning". It has a message that says" I think of you guys when I wake up.... Hope you had a sweet dreams last night.

@amyfe

Hahahaha!!!!! Kawawa ang anak ko kasi mali ang naturo ko sa kanya😅. Sabi ng anak ko isa lang naman ang ilong ma. Sabi ko naman dalawa....... Tama pala anak ko isa lang ang ilong pero ang binilang ko ang dalawang butas nito. Eh ang instruction bilangin kung ilan ang bilang ng parte ng katawan. Tama sana sagot ng anak ko. Ayan tuloy wrong yong sagot nya .

@amyfe

Tanong ko lang noisers, Anong mararamdaman at gagawin n'yo kapag nakita n'yo ang iyong anak na ayaw papasukin sa bahay ng pinsan mo dahil nadudumihan sila sa inyo.? Tapos yong anak naman ng pinsan mo ay hinaharangan ang pintuan at sinasabihan ang anak mo na "huwag kang pumasok dito dahil madumi ka tapos hindi man lang sinaway ng pinsan mo yong anak nya? Ako, noong nakita ko at narinig ko ang mga sinasabi nila sa anak ko, wala akong nagawa kundi panoorin lang sila. Dahil alam…

@amyfe

So happy seeing my child writing his name kahit wala ako sa harapan nya. Noong unang araw ng klase nila grabe yong stress ko dahil hindi ko alam pa-paano siya turuan. Umiiyak talaga ako kasi tatlo sila na kailangan kong e assist tapos iba-iba ang grades. Tapos ang isa kong anak ay beginner. But now stress no more......

@amyfe

A very cold morning....... Bakit kaya palagi nalang tuma-timing yong ulan kapag schedule ko sa paglaba? Ang dami ko pa namang labahan ngayon tapos umuulan. Sa inyo ba noisers umuulan din?

@amyfe

NDRRMC texted my number for warning us that there will be an orange rainfall in bohol but how about in Cebu? Maybe it is the same weather condition because were in the same region?

@amyfe

My sister cooked bananacue for our snacks and her husband buy a coke. Have you eaten your snacks noisers? Ang sarap talaga kumain kapag kasama ang pamilya..... We are just enjoying our snacks. The banana is fresh from the farm of my hubby. Ang sarap.

@amyfe

Sumasakit na mata ko sa kababad sa cellphone... Di ko na namalayan grabeng lowbat ng phone. Kailangan na palang e charge😅. Kailangan ko nang matulog dahil pati ulo ko sumasakit na. Nighty night noisers.... By God's will bukas naman ulit.

@amyfe

Oh my! Anong oras na di pa ako makatulog ulit. Nagising ako sa lakas ng volume ng TV around 12:43 hindi pa pala tulog yong in -law ko nanonood pa siya ng TV. Kaya ito ako ngayon hindi na ako makatulog ulit😥. Yong sipon ko naman tumatagas na naman, ito talaga problema ko kapag nalalamigan ako umaandar yong sipon ko. Gusto ko nang matulog.