Sumasakit na naman ang ngipin ko😥😥😥. Di kaya dahil sa kababad ko ng cellphone at paglalaro ko ng junes journey? O di kaya sa dami ng lalabhan ko?
@amyfe in August 2021
Malapit na akong matapos sa labahan pero hanggang ngayon wala pa ring agahan😅. Nasaan na kaya si hubby? Wala pa siguro syang kita sa pamamasada.
Eto at nanalo ako 😅. Sumasali ako sa competition at top 1 ang grupo namin. Ang saya lang kasi may pambayad na ako para ma renovate ang estate ko.😂. Laro pa more ayan tuloy sumasakit na naman ang ngipin ko.
Balik na naman ako nito. Ang tigas kasi ng ulo. Hanggang Ngayon di ko pa rin na conquer ang fear ko kaya ito nagdudusa na naman ako😥.
This is 100% true/correct...... Hindi lahat ng panahon tayo ay tama dahil tao lang tayo at nagkakamali din. Dapat marunong tayong tumanggap sa sarili natin na hindi tayo perfect. Got this saying from facebook( Educated Minus).
Alam ko na hindi ako maganda pero mag post pa rin ako ng picture ko😂. Katatapos lang maligo. Sa wakas done na maglaba at makakapahinga na. At alam nyo bang nawala ang sakit ng ngipin ko pagkatapos maglaba😅. Na stress nga siguro ako sa mga labahan kaya sumakit ngipin ko. 😁
Ang sarap kumain ngayon ng may sabaw. Ano kayang ulam ang bibilhin ngayon ni hubby? Nakapaghanda na ba kayo noisers para sa inyong haponan?
I'm watching right now Pop Pinoy. My favorite judge Mitoy. Noong sa tawag ng tanghalan pa siyang judge gusto ko talaga sya kasi pranka syang tao . Basta magaling siyang judge sa mga ganyang genra. May matututonan ka talaga sa mga sinasabi niya.
Ang aking hubby..... Siya ay mabuting asawa at anak. Hindi niya kayang pabayaan ang kanyang mga magulang. Ginagawa niya lahat para lang hindi sila magutom. Minsan siya din ang naglalaba sa kanilang mga labahan kapag busy ako sa trabaho. Madali siyang malapitan ng mga tao.
To my children na gigisingin ako tuwing hating gabi para mag cr, ok lang sa akin dahil mahal ko kayo at importante kayo sa akin. To all mothers out there na nakarelate good night and take care always. Take this from facebook just love to share it with you. Good night noisers.
Kahapon daw ay tapos na so magfocus tayo sa ngayon para may maganda tayong bukas di ba tama noisers? Itong mga quotes na nababasa ko sa facebook ay puro mga magaganda kaya ibinahagi ko sa inyo. Magandang umaga noisers. Happy Monday 😊
What a blessing. Thank you @brutus for giving a tip on my post. Such a wonderful morning. More blessing to come to you 😊. God bless. Again thank you very much.
Lunch time!!!!!! Nagluto si hubby ng ulam di ko alam kung Anong tawag nito. Hindi naman ito afritada. Sabi ni hubby basta maluto lang ulam na at hindi mo na kailangang alamin ang pangalan ng ulam na ito😅. Nag experiment lang sya 😂. Pero ang sarap ng luto ni hubby.
Panghimagas kayo dyan. Dahil tapos nang mag lunch, ito naman ang trip ko😅. Clover and banana....di kaya aalburuto ang tiyan ko nito? Sa tingin nyo noisers?
Grabe ang init ng panahon ngayon. Di ako makatulog, tumutulo ang pawis sa buong katawan ko. Sa lugar nyo noisers mainit din ba? Uminom ng maraming tubig. Delikado ang grabeng init. Pwede tayong ma heat stroke kaya ingat noisers.
Kung gaano kainit kanina, ngayon naman ay umuulan ng malakas at may kasama pang malakas na hangin. Nakakatakot kasi maraming puno ng niyog sa paligid. Sa inyo ba noisers di umuulan?
Nakakain na ba ang lahat? Kami katatapos lang. Nagluto ako kanina ng paksiw habang bumubuhos ang malakas na ulan. Nabasa talaga ako sa ulan. Pero ok lang bastat maluto lang ang ulam. Enjoy your dinner noisers.
Good morning!!!!!!! Good morning noisers!!!! How was your night? Me, fine. Nanaginip ako kagabi na naging katulong ako at mahal ako ng aking mga amo. Ngayon paggising ko natawa nalang ako kasi narelate ko siya sa totoo kong buhay. Huminto ako sa aking trabaho para tulungan ang asawa ko sa bahay. Naawa na kasi ako sa kanya dahil yong mama nya naging katulad na din ng papa nya na susubuan na kapag kakain at marami na din ang mga labahan dahil walang pambili ng diaper. Kaya…
Dahil bawal lumabas sa bahay. Nagbahay-bahayan nalang sila sa likod ng bahay. Dahil may nakapasok na delta variant sa lugar namin kaya balik ECQ na naman. Ang mga bata na ang gusto ay maging masaya lang na makapaglaro lang . Nag eenjoy talaga sila.
Correct..... Our body will change and we will back kung saan tayo galing. Pero ang taong mabuti ay hindi magbabago. Be good to everyone.
Totoo araw-araw kang magkaka-pera kapag mag- sipag ka lang pero yong magagandang ala-ala ay mahirap nang balikan. Pero pwedi namang gumawa ng bagong masasayang ala-ala. Parang nalito ako sa mga sinasabi ko😅. Quotes from facebook..
Pasensya na kung minsan di ako maka heart back minsan. Nagpapahinga din siya minsan kahit anong pindot ko wala talagang laman. Maraming salamat noisers. Good night noisers and sweet dreams 😊.
Good morning madlang noisers. It is already 5:15 in the morning. Wake up! O di kaya ako lang dito ang bagong gising😅. Happy Wednesday to you noisers. Ang dali talaga ng panahon.
Ano ba ato, ang daming labahan pero di ko malalabhan dahil walang sabon😐. Ganito na ba talaga ka hirap ngayon? Gustong gusto ko nang maglaba . Kayo noisers, nakapaglaba na ba kayo?
Sa wakas at nakapag- laba na ako. Salamat kay hubby na bumili ng sabon. Done laba, sa mga kumot at damit ng in-laws ko.
Malapit na namang gumabi. Malapit na mag dinner, nakapaghanda na ba kayo para sa inyong haponan noisers?
Good night noisers. I am hoping to make some noise tomorrow. As we all know, we don't know about tomorrow, only GOD know. Nighty night noiserz.
Hello, hello.....noisers. Thanks God I'm alive. And now your chubby noiser making some noise. Happy Thursday everyone 😊. Good morning
Done na maglinis ng bahay at maligo. Relax time na. Happy wife, happy life☺
Yeah right. Marami ka talagang matutunan sa panahon na walang wala ka. Unang una mong matutunan talaga ang lumapit sa Panginoon. Got this from facebook....
Done na sa task kaya ayan ang anak ko nag relax. Mahilig manood at mag tiktok.
Before going to bed, I wanna say thank you madam@jing143 for the blessing that she gave. Thank you so much madam. More blessings to come to you. Good night and God bless. @noise.cash thank you also. #blessing
Good morning noisers..... Another brand new day. Let us start our day with a smile. Let us have peace in our heart. Forget the bad things happen yesterday, start a brand new day. #fearlessSoul @noise.cash
Habang nagwawalis ako nakita ko ito. Nagtataka lang ako kung paano ito nakapasok sa ugat ng kahoy.
#fromfragmentsofmymind @noise.cash Totoo... Nakita ko sa mama ko na kahit marami syang pinagdaraanan sa buhay ay marunong pa rin siyang tumawa. Hindi lahat ng mga taong nakikita nating tumatawa ay masaya, ang iba ay may tinatagong problema pero dinadaan nalang nila sa tawanan.
Flex ko lang ulam namin kanina, luto ni hubby. Ngayon kaya anong ulam namin?😅. Kain lang malakas!!!!!!! Pag pasensyahan nyo ako ka noise. Mahilig talaga akong kumain kaya malaki ako. Kita naman sa katawan ko.
#proudmother Ang gandang tingnan na ang anak ko ay natututo nang magluto gamit ang kahoy.
Sumikat na ang araw at ngayon pa nagising. Ang resulta napagalitan na naman ni hubby. Paano tinatamad na naman ako😅. Good morning noisers. How was your night?
Sa wakas natapos na din akong maglaba sa mga damit at kumot ng mga in-laws ko. Pareho kasing na stroke ang mga in-laws ko kaya ayan palaging madaming labahan. Kung mahal mo kasi ang iyong asawa, handa mong gawin at tanggapin lahat para sa kanya. Charot....
Late lunch na 😁. Kain tayo noisers. Ngayon lang nakakain kasi naglalaro na naman ako ng junes journey😅.
Ang hirap pala kunan ng litrato ang paruparo. Isang maling hakbang mo lang lilipad na kaya ayan hindi masyadong maganda ang kuha. #paruparo
Peace be with you 😊. #Rogerleequotes @noise.cash We need to let go sa mga hindi magagandang nangyari sa atin bago tayo matulog. Para maganda ang ating pagtulog. Nighty night noisers.
Good morning noisers...... Your chubby noiser is here again to make some noise. Have a blessed Sunday noisers.
Done na sa mga gawain. Ang problema hindi nagpakita si haring araw, sana matuyo ang nilabahan ko. #mynewdailytaskeveryday #maglabawalisdilignghalaman
Hello noisers!!!! Good morning😅. Ai akala ko morning na! Nakatulog kasi ako mga 3 oras din ngayon pa lang ako nagising. Ganda ng tulog kasi hindi mainit ang panahon at walang isturbo.
Kapag ang asawa nyo ay nakainom at nalasing, magagalit ba kayo? Ako, noon grabe yong pagdadabog ko kapag nalasing ang asawa ko pero ngayon tinatawanan ko nalang. Iniintindi ko nalang sya dahil minsan din lang naman siya naglasing. Kailangan din kasi ng katawan ng alcohol. Binibigyan ko nalang sya ng time na magrelax dahil buong araw, linggo, buwan at taon naman siya nagsisikap para buhayin kami.
Good night noisy people 😊.... Happy lang dapat kahit maraming problema ok? Kailangan ng magpahinga para naman may lakas para harapin ang bukas. Hehehe...kanina tatlong oras akong nakatulog ngayon naman maaga akong matutulog bawi ko ito sa mga oras na nagpuyat ako sa paglalaro ng junes journey. Nighty night noisers.
Nandito na naman ang inyong chubby noiser. Para sa akin maaga pa ang 6am 😅. Maaga ako ngayong nagising dahil maaga din naman akong natulog kagabi. Yepey! Nakatulog ako ng maayos. Happy lang dapat. Good morning noisers.
Nag lunch na ba kayo noisers? Ako ,katatapos lang. Done na sa everyday task. Di ako nakatambay dito kanina kasi pagkatapos kong maglaba pumunta ako sa mall para bumili ng mga kailangan ng mga in-laws ko. Pinadala na kasi nila ang pera sa senior ,budget ng in-laws ko. But here I am again 😊
We are loyal to nestle product. How about you noisers?
Time to go to bed noisers. I'm so sleepy now. So good night noisers. My heart didn't work now maybe she's tired. I'll heart you when it is fine. Nighty night noisers.
Good morning everyone here I am again, your chubby noisers making some noise. Let us all start our day with a smile. Believe in your self. Always think positive. Aja! Noisers😊
Wala ako masyadong nagawa ngayon😪. Sinisipon kasi ako at di naman ako makapaglaba at walis dahil inuulan dito sa amin. Ang nilabhan ko kahapon di pa natuyo. Sa lugar nyo inuulan din ba noisers?
Eto ako ngayon namamaga ang mga mata dahil nakatulog ako matapos uminom ng gamot. Kanina din kasi palaging tumutulo ang sipon at luha ko.,isa din sa dahilan ng pamamaga ng mga mata ko.😪.
Salamat Lord at di na ako naluluha dahil sa sipon. Magandang gabi noisers. Nakapag dinner na ba kayo? Kami nag peprepare pa lang. Luto na ang kanin, ang ulam nalang kulang. Enjoy your dinner, sa mga noisers na bagdidinner na ngayon.
So sleepy, my body is tired and my eyes want to close. I need to take a rest now. By God's will I'll come back tomorrow to make some noise. Good night noisers. Nighty night
I'm alive, alert, awake, enthusiastic😅. Hello!!!!hello!!! Here I am again your chubby noiser alive,alert, awake, enthusiastic. Let us make some noise now noisers. Good morning 😊
Salamat at done na sa everyday task. Kahapon kasi di ako nakapaglaba dahil masama ang pakiramdam ko. Kayo noisers nakapaglaba na ba kayo?
Relax time na dahil tapos na sa mga gawain. Tapos na ding mag lunch. Happy lang dapat. Always positive kahit walang pera, ang importante malusog ang katawan. Nakapananghalian na ba kayo noisers?
My daughter and her cousin love, "selfie". Napuno na ang album ng cp sa mga picture ng anak ko at mga kaibigan nya.
Dinner time🍽. Kain tayo noisers, barbeque ang binili ni hubby for dinner. Kids were happy. Minsan lang makakain ng ganito kaya masaya ang mga bata. Kahit maliit na bagay ay nagbibigay saya sa amin.
Mukhang maaga ako ngayong matutulog kasi inaantok na ako. Maglalaro pa naman sana ako ng junes journey pero pipikit na talaga ang mga mata ko. Good night noisers....
#Junesjourney Matutulog na sana ako ng biglang tinawag ako nito😅. Bakit ba nakakaadik ang larong ito? Totoo na talaga ito matutulog na talaga ako kasi naubos na ang energy, di na makalaro. Nighty night noisers.
Good morning noisers. Nagpakita na si haring araw at ito ako nakahiga pa sa higaan. Hay! Umaandar na naman ang katamaran ko. Malaking problema ko talaga ito. Sabi ng isip ko maglinis ka ng bahay pero yong katawan ko ayaw gumalaw😅.
Feel nya ang moment...... #snapchat Ito yong trabaho ng anak ko kapag natapos na sya sa mga gawain. Nagseselfie pagkatapos, nag-eedit para sa tiktok.
So hot!!!!! Ang init ng panahon ngayon di ako makatulog. Wala na sigurong low pressure kaya balik init na naman.
Goodbye sunlight, Hello darkness.. It is already 6:00pm. Maybe some of you are preparing for dinner and some are finish. Me, I'm waiting for my husband to come home.
Sleeping time again. We need to take some rest to restore our strenght. Nighty night noisers.
Tomorrow is always our second chance if we are still alive. #frominspiringandpositivequotes @NicholasSparks
Nasilayan na naman ako ng araw. Late na namang nagising, tinatamad pa din kasi😅. By the way, let us have some coffee. One of my task everyday, ang ipagtimpla sila ng kape,milo at gatas.
Thank you madam @jing143. God bless you. As what the bible say God bless a cheerful giver. More and more blessing to come to you.
#conqueringlaziness Tinatamad talaga ako kanina kaya nga ala siete na ng umaga ako nagising. Pero nagpapasalamat talaga ako dahil na labanan ko ang aking katamaran at nagawa ko ang aking everyday task.
#relaxtime Dahil natapos na sa gawaing bahay magpapahinga muna ako. Walang budget sa snacks kaya itulog ko nalang ito😅.
#sweethubby #snacks Kanina pagkatapos kong mag post na matutulog nalang ako dahil walang pambili ng snacks eh ilang minuto lang dumating ang anak ko dala ang bananaque. Bili ni hubby para snacks namin.😍. Thanks to my hubby.
Let us have some dinner noisers....... Paksiw na isda, luto ni hubby. Cook with love....charot...
Oras na naman sa ating paglayo.🎶🎶🎶 Magpapahinga na ako noisers. Bye for now, see you tomorrow by God's will. Pray before going to bed. Hello to the noisers na night shift ang trabaho. Ingat
Kamusta buong gabi nyo noisers? Nakatulog ba kayo ng maayos? Ako, hindi ako nakatulog ng maayos dahil umulan kagabi na may kasamang kulog at kidlat. I got phobia with lightning kasi noon malapit kaming matamaan ng kidlat. Nakita ko ang malaking bola na nagbabaga na papunta malapit sa amin. Eh iyon na pala ang kidlat. Nawalan ako ng lakas noon. Ang ginawa ko nalang niyakap ko ang mga anak ko at nag pray.
Dumaan na naman si ate Cerelin at pinautang na naman ako. Utang na naman sana may pambayad ako sa susunod na linggo. Kain tayo noisers.
#donetomyeverydaytask Salamat at natapos na din sa paglalaba. Ang problema hindi nagpapakita si haring araw. Malungkot ngayon ang langit at maya-maya itong umiiyak.
Kung ayaw wala talaga tayong magagawa😔. Hay! Nasayang lang ang oras ko at nasugatan pa ako. I'll give him time para makapag-isip- isip. Natatakot lang siguro sya.
Time for me to sleep now. The whole parts of my body is tired. Napagod ako kanina sa paglalaba na di naman natuyo dahil hindi nagpakita si haring araw. Tapos yong lakad ko kanina naging palpak dahil natakot siguro kaya di natuloy sa plano. Good night noisers. Sleep well.
Hello noisers!!!! Ito na naman ako at nasilayan na naman ng araw dahil tinatamad na naman. Kamusta buong gabi nyo noisers? Ako giniginaw talaga ako dahil hindi natuyo ang nilabhan ko kahapon na kumot.
Nakita ko sa album ng phone ko. Yong kinalakal nila ginawa nilang chain😅. Grabe talaga mga imahinasyon ng mga bata.
Pagbili ko kanina sa tindahan ang nakabantay ay ang puting pusa. Nasaan kaya ang amo nito?😅
Malapit na naman maghaponan at wala pa kaming maihahain sa hapagkainan dahil hindi pa nakauwi si hubby. #throwbackpic
Kain tayo noisers. Paksiw na isda with coke. Masarap talaga ang pagkain kapag may kasamang coke. Agree ba kayo noisers?
Why does my heart doesn't work? Maybe she's tired and need to take a rest. I'll heart you when it's back to normal noisers. She need time.
Di ko na namalayan ang oras, maghahating gabi na pala. Kapag kay Alex Gonzaga talaga na vlog makakalimutan mo ang mga problema mo at ang oras. Good night noisers.
Good morning madlang noisers. Umaga na!!! Gising na!!! Maraming gawain ngayon kaya ito maagang nagising. Dumami na kasi ang labahan ko dahil kahapon as in tinatamad talaga ako. Wala akong ibang ginawa kung hindi humiga.
Salamat at mainit ngayon ang panahon. Matutuyo talaga ang labahan ko. Pero ang problema di pa ako nakapagsimula dahil hindi pa naligo nila ang in-law ko na lalaki. Mas maganda kasing malabhan na lahat ng nagamit nila para walang matatambak at di mangangamoy.
SIMPLENG BUHAY!!! Mula pa noon hanggang ngayon ang gusto ko lang ay simpleng buhay. Yong makakain ka ng tatlong beses sa isang araw OK na. Hindi ako mahilig sa mga magagarang bagay or magagandang damit. Mas masaya kasi ang buhay kapag simple lang. Walang masyadong stress. Simple lang ang gusto ang ganitong buhay "simpleng buhay". Ang kasiyahan ko lang naman ay ma kaka-kain ako ng mga pagkaing paborito ko.
Ang ganda ng sunset kanina buti nalang nakunan ng anak ko. #sunset@dapitan,cordova
Time for me again to sleep. As always dahil sa mga trabaho kanina napuyat ang katawan. Kaya kailangan nang eh relax para manumbalik ang buong lakas. Nighty night noisers.
Good morning noisers!!!! How was your night? Bakit kaya itong katamaran ko ay di mawala-wala. Malapit nang mag ala siete ng umaga ito ako at nakahiga pa rin dahil tinatamad bumangon.
#happylang So happy na kahit tinatamad ako araw-araw ay natatapos ko pa rin ang everyday task ko.
Sino dito ang mahilig ng maasim na prutas? Kain tayo!!! Santol tawag dito sa amin, sa inyo ba anong tawag nito? Si hubby kasi mahilig sa mga maasim na prutas dahil nga marami din sa Negros ang mga prutas na ganito.
#conqueringmyfear Back on September 22, 2019, I donated a blood. Sa totoo lang ka noise,takot talaga sa mga syringe and needles. Kaya nga noong nanganak ako sa mga anak ko sa health center sa barangay ako nanganak tapos yong isa sa bahay. I was so happy at that time na nakapag donate ako ng dugo at nalaman ko pa yong blood type ko.
Are you having dinner noisers? Me , done. Ulam of the night pancit canton ( hot and spicy). Anong ulam nyo noisers?
Sabi ng mata ko, matulog ka na pero sabi naman ng utak ko maglaro ka muna para manalo ka sa competisyon😅. Ang nanalo ang aking laro dahil tinapos ko talaga ang competisyon at ito ang mata ko gusto nang pumikit. Nighty night noisers.
Sabi ng anak ko "mama gatas naman ang bilhin mo, wag nalang palaging milo". Kaya pinagbigyan ng papa nila. Mas mahal kasi ang gatas kaysa milo. Good morning noisers.
Mainit ang panahon ngayon pero bakit may malakas na kulog. Sa kabilang banda grabe ang itim ng langit. Bumabagsak na siguro ang ulan sa may norte.
My first time na nakatanggap ako sa Paypal. So happy lang, nakasali ako sa pa reward nila.
Ang kinatatakutan ko ayan na naman. Kulog at kidlat nandito na naman. Mahina naman ang ulan yong kulog at kidlat lang malakas. Sa inyo ba noisers umuulan din? Dahil siguro ito sa low pressure no kaya umuulan na naman na may kasamang kulog at kidlat. Stay safe noisers. Good night.
Makulimlim na umaga sa inyo noisers. Maglalaba pa naman sana ako ngayon pero di umaayon sa akin ang panahon. Ingat lage noisers.
Salamat at may init kahit paminsan minsan makulimlim ang langit. Tutuyo siguro ang nilabahan ko. Done to my everyday task nga pala ako ngayon. I'm so happy.
Totoo nga pala yong app na nilalaro ko. Salamat at dumating na ang money kahit maliit lang. So happy kahit maliit na bagay.
This is my prize!!!! Pinagpalit ko ang trabaho ko sa pagtulong ni hubby sa pag aruga sa mga bata at matatanda. Ngayon kahit tsinelas hindi na makabili🤣🤣🤣. Well, it is ok hindi naman ako mahilig gumala, sa bahay lang naman ako. Still thankful to my life now. At least masaya naman. Ang importante malusog ang katawan at walang sakit. I am blessed.
Ala siete na at ngayon pa ako nagising. Umuulan kasi dito madaling araw kaya sarap matulog. Good morning noisers.
Salamat kay noise at nakabili ako ng tatlong tsinelas. Para kay hubby at sa dalawa kong anak at yong nagamit na nila ako ang gagamit. Thanks to :@noise.cash and thank you my fellow noisers na walang sawang bumisita sa wall ko. Happy and blessed. Thanks be to God.
Masarap talaga ang ulam kapag may sabaw. Buti nalang si papa bumalik na sa pangingisda at binigyan nya kami ng fresh na fresh na isda. Nagtinola ako ng isda kanina. Masarap talaga kapag fresh na isda ang totolahin. Nakakamiss yong kabataan ko. Kapag tanghalian ulam namin palagi ay tinolang isda kuha ni papa. Ang sarap sarap.
Kain tayo noisers!!! Maagang naghaponan dahil maagang nakapagluto. Ang sarap ng kain ko. Tuyo at pancit canton, ang sarap ng combination. Have you try this combination noisers?
This is what I said to my self now. Amy stay strong. Kakayanin ko lahat ng pagsubok sa tulong ng Panginoon at ng aking pamilya. Nighty night noisers. #qoutesgotfromfacebook
Rise and shine!!!! Good morning noisers. Today is our second chance. Another day of our life and another day of blessings. Wake up now and give thanks to the Lord. Have a nice day everyone.
Pumunta kami kanina sa barangay pagkatapos sa munisipyo dahil naka schedule yong barangay namin para sa national id ng mga bata. Pero pagdating namin doon walang tao kahit isa. Hindi man lang sila nagsabi na hindi matutuloy. Kahit sa page nila sa facebook walang pasabi na cancelled ang registration. Nakakadismaya lang.
Pumunta kami ng kapatid ko sa mall pampatanggal ng stress. Namili kami ng pagkain. As usual pagkain lang naman ang ikakasaya namin😅. May binili lang ako para sa darating na birthday ng anak ko. Salamat kay noise at may pang mall ako.Hindi naman sya malaki,insakto lang.
Good afternoon noisers!!! Meet the pink flower, the portulaca..... Diba ang ganda ng bulaklak, nagpapatanggal din siya ng stress.
"Tinabal" Tawag dito sa amin tinabal. Anong tawag nito sa lugar nyo noisers? Fresh na isda siya nilagyan ko ng maraming asin at kinabukasan ko na sya niluto. Ang sarap, sarap nito. Tataba ako lalo kapag ito ang uulamin ko palagi dahil ang dami kong makakain na kanin. Sorry ka noise hindi ko ma upload ang picture.
May contest na naman ang nilalaro ko at top 1 yong group ko. Bukas kaya maging top 1 pa rin?🤔. Kailangan kasi nito malinaw ang mata mo dahil hahanapin mo yong missing sa dalawang picture. Minsan nakakalito pero kapag natapos na ang laro ang sarap sa pakiramdam.
So happy at nanalo yong group ko sa contest at kami ang top 1. Ito talaga ang una kong tintingnan pagkagising ko😁. Salamat at di nasayang ang pagpupuyat ko. Wala naman akong makukuha na pera dito, pero nawawala yong stress ko kapag naglaro ako nito.
Meet my brother James. Ang layo ng gap namin. Noon ako ang bunso pero after 12 years nagkaroon kami ng kapatid na lalaki. And were just happy kasi magiging dalawa na ang kapatid namin na lalaki. But I am only human I feel jealous with my brother coz I feel all the attentions ay napunta sa kanya noong ipinanganak na siya. Hahahahaha.... Ganyan siguro ma feel lahat ng bunso na nagkaroon ng kapatid after 12 years I guess? But when I get matured I realized we're all love by our…
Nagselfie ang taong tamad. Grabe talaga....tinatamad talaga ako ngayon. Ang gusto ko lang matulog,maglaro, kumain kung meron lang sana. Di ko nagawa ang everyday task ko mga tatlong araw na. O katamaran layoan mo ako......
Nagluto si mama ng biko. Family bonding namin... Kapag si mama ang nagluluto ang sarap talaga. Ngayon lang nakapag bonding ulit dahil busy sa trabaho . We need to take some of our time to our love ones. Dapat di lang puro trabaho ang oras natin.
#throwback pic Nakakamiss na ang kulot ko na buhok. Bakit kaya ang mga kulot gustong magpastraight ng buhok tapos yong mga straight ang buhok gusto namang magpakulot? Well, in my side ginusto kong magpastraight dahil gusto kong malaman kung may maiiba ba sa mukha ko kung maiiba ang buhok ko. As you see ganon pa din walang nagbago ,pangit pa din. But it is ok. I love my self though.
Kailangan ko nang magpahinga dahil napapagod na ako kalalaro. Tanong ko lang noisers, kung matutulog ba tayo ang soul natin ay umaalis ba sa katawan natin o natutulog din?
#throwbackpic Sana ganito palagi ang umaga. Pero kailangan din naman na ibalanse ang mundo. Masama ang panahon dito sa lugar ko ilang araw na. Tinatamad akong maglaba at maglinis. Dahil siguro sa low pressure kaya masama ang panahon.
Kapag masyadong seloso ang iyong asawa, pagmamahal ba yan?
Done to my labahan. Salamat sa Panginoon at nagpakita si haring araw. Sana tuloy tuloy na ang init at di na maging makulimlim ang langit para matuyo ang aking mga nilalabhan. Sa inyo ba noisers mainit din?
Luto ni hubby.... Pancit with sardines... Sabi nila ang pancit ay pampahaba ng buhay.. Naniniwala ba kayo?
If you're a believer in Jesus, how has your life changes since He came into it? What are some ways you'd like ro grow in your faith?
Hello noisers!!! Nagising ako ng maaga dahil sa tawag ng kalikasan. Ang dilim pa sa mga oras na ito. Matutulog siguro ako ulit dahil takot ako sa dilim. Alam nyo na may naninirahan dito sa mundo na hindi natin nakikita. Tulog muna ako ulit. Ang sarap matulog kapag malamig ang panahon.
Maulan na umaga noisers. Hanging habagat pa rin ba ang dahilan ng ulan ngayon o may bagyo na paparating sa ating bansa?
Ang hirap kumita ng pera,tama ba noisers? Tapos kung may pera ka na ang daling maubos, gastos dito,gastos doon. Isang buwan na kita mauubos lang sa isa o dalawang araw. Maliban nalang sa magaling magbudget. Ako marunong akong mag-ipon ng pera pero kung ako naman ang makagastos nito isang araw lang ubos na.
May schedule na naman para sa aming lugar sa registration. Ang tanong matutuloy kaya ito? Kasi pinaasa na nila kami noong 21 ng Agosto. Wala man lang pasabi ang barangay namin na di matutuloy. Sana matuloy na para naman maregister na ang mga anak ko sa Philsys.
What are your deficiencies noisers? How are they helping you gain trust in God? Me: I am weak. I always rely in God's promises. I pray that others would see that God is my strength.
Kung uuwi ang inyong asawa dis oras na tapos lasing pa, ano ang gagawin nyo? Noong di pa nakauwi ang asawa mo ay alalang-alala ka kung ano na ang nangyari sa kanya,ba' t di pa sya nakauwi. Tapos noong tinawag ka ng iyong asawa para buksan ang pintoan ay masaya ka dahil sa wakas ok lang ang asawa mo. Pero Nang nakalapit na sa iyo ay nangangamoy alak ito. Magagalit ka ba?
Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw? Kanina pa madaling araw tong ulan na ito hanggang ngayon umuulan pa rin. Marami pa naman akong labahan ngayon. Sa inyo ba noisers umuulan din ba?
When have you felt abandoned or forgotten? In what ways has God always been present with you to remind you of His constant love? Me: When someone promise me that they will be there no matter what happens but they never fulfilled their promise. In every hours of my life, God is always been present to remind me of His constant love. How about you noisers?
Katatapos lang maligo. Tinatamad akong maglaba kasi umuulan kaya ito nakaligo ng maaga. Hindi na ako nakapanood ng balita, tanong ko lang noisers may bagyo ba na paparating sa Pilipinas kaya lage nalang umuulan ngayon?
Napaka-tahimik ng gabi. Nakakain na ba kayo noisers? Don't forget to eat your dinner lalo na sa mga night shifts para may lakas kayo para harapin ang inyong trabaho.
Akoy magpapaalam na sa mga sandaling ito ngunit akoy babalik bukas para ipagpatuloy ang aking pag-iingay. Nighty night noisers, your chubby noiser now signing off. Ingat...
Maulan na umaga noisers. Now lang bumangon para mag kape. Ang sarap kasi ng tulog ko kasi malamig ang panahon dahil walang tigil ang ulan. Hay! Marami na ang labahan ko, di ako makapaglaba dahil sa ulan. Sa inyo ba umuulan din?
Bakit ganito pormada ko? Umuulan kasi dito kaya nakabandana ako para di masyadong mabasa ang ulo ko. Wala din kasi ang anak ko kaya ako ang gumagawa sa gawain nya.
Done na din maglaba!!!! Salamat at tumigil ang ulan at nakapaglaba na ako. Ang hirap kasi maglaba kung marami ang lalabhan. Matagal kang matatapos at mapupuyat ka pa sa kalalaba kaya nagpasalamat talaga ako na tumigil ang ulan dahil di na matatambak ang labahan ko.
Ano kaya masarap ulamin ngayong dinner? Mukhang gusto kong kumain ng pancit canton na chili mansi flavor.... Kayo noisers anong gusto nyong kainin ngayong dinner?
Bakit kaya kapag wala kang pera ang sarap kumain ng kumain? Do you feel it too noisers? Kaya matutulog nalang ako para di na ako makapag isip pa na kumain😅. Malapit na din pala na mag 10 pm. Kailangan ng magpahinga para insakto walong oras ang tulog ko. Nighty night noisers.
Umagang kay ganda sa inyo noisers. Salamat at paggising ko sa umaga ay wala nang ulan, at nagpakita na si haring araw. Late na nakagising dahil alam nyo na, ganito talaga ang taong tamad late na gigising.
May naligaw ...... Killer pa naman ang mga pusa dito. Noong narinig ng pusa ang boses ng butiki agad itong bumangon sa pagkakahiga at hinanap ang pinanggalingan ng boses ng butiki. Kawawang butiki ginawang agahan ng pusa.
Late lunch na.... Ngayon lang nakakain ng lunch dahil bago pa lang umuwi si hubby. Kayo ba noisers nakakain na?
Hay!nasayang ang oras ko kalalaro tapos di naman na counted. Isang oras na sana tinulog ko nalang. Malapit na palang mag ala singko, haponan na maya maya. Ano kaya ang bibilhin ni hubby na ulam ngayon?
Minsan sa buhay ko, ang gusto ko lang ay tumahimik. Ayaw kong makipag-usap kahit kanino. Tanong ko lang noisers , abnormalities ba ang ganyang ugali?
Rise and shine!!!!! It's Saturday morning, weekend na.... Last Saturday of the month na pala,ang dali ng panahon. Malapit nang matapos ang buwan ng Augusto at hello September na. Kamusta naman ang buong buwan ng August nyo noisers, is it productive?
Ang hirap makipag usap kapag iba yong lingwahe ng kausap mo. Nabubolol na ako..... Tumawag kasi sa akin yong pinsan at tiyahin ko kanina, naubusan ako ng sasabihin. Naiintindihan ko naman yong sinasabi nila, sa pagsagot sa mga tanong nila ako nahihirapan.
Makulimlim na hapon sa inyo noisers. Nagbabadya na naman na uulan ngayong gabi. Mag-ingat lage.
My eyes gusto nang pumikit. Nighty night noisers.....matutulog na ang inyong chubby noisers para may lakas ako para harapin ang bukas kung buhay pa. As what I said before only God knows about tomorrow.
Good morning noisers!!!!!!! Today is Sunday, Our Lord's day....wake up now and start your days with a positive good vibes...
Umuulan na naman..... May sinampay pa naman ako. Sa inyo ba noisers, umuulan din?
Life is short and time is fast..... So let us enjoy every moments of our life because there is no rewind of it. Nighty night noisers.
Happy Monday noisers.... Now lang nakabisita kasi inaanyayahan ako ni hubby na mamalengke. Dahil wala nang sasakyan kaya naglakad kami ng maaga. Sabi nya para ma exercise naman daw ang katawan ko. Na exercise nga talaga katawan ko. Sabi nga nila best exercise daw ang maglakad lakad everyday.
Now lang nakauwi sa bahay. How was your day noisers? Ako, na busy ako kanina but now I am free..... I'll heart you back. Thanks for tunning in....charot
Sinong naka try ng lola remedios? Nag try ako kung nakakagaan ba talaga ito sa pakiramdam,well ok lang naman siya. Matamis na maanghang siya , tumigil naman saglit yong ubo ko. Try nyo din ka noise.
Accept your past without regrets, handle your present with confidence, face your future without fear...... Good morning noisers... Another brand new day to us... Be confident always
Do you know the name of this plants? Tanim ni hubby ,dumadami na siya, kung sinong may gusto punta lang kayo dito sa bahay ko at ipamimigay ko to. Bakit kaya kapag si hubby ang nagtanim ay mabubuhay pero kung ako hindi. Sa kamay ba yan noisers?
A nice afternoon to you noisers. Today is a busy day to me. How about you noisers.? But I am happy and satisfied dahil nagawa ko lahat na plinano ko kahapon na gagawin. I hope you also are happy today.
Di ko na namalayan ang oras dahil sa ka search ko kung totoo ba talaga ang balita tungkol sa pagpanaw ni mahal. Marami kasing fake news na kumakalat sa facebook kaya nag search ako ng nagsearch. Tapos sa GMA News eh yon din ang binalita kaya naniwala na ako sa balita na nabasa ko sa facebook. Hindi natin hawak ang mga buhay natin, di natin alam kung hanggang kailan tayo mamalagi sa mundong ito kaya sulitin natin ang bawat oras natin sa ating mga mahal sa buhay. Nighty night…
A rainy morning to you noisers. Ang sarap talaga matulog kapag malamig ang panahon. Tinatamad na naman ako. Kapag ganito ang panahon ayaw ko talagang lumabas ng bahay. Kayo ba noisers, ayaw nyo rin ba ang maulan na panahon?