Join 54,741 users and earn money for participation

Saludo sa mga OFW

2 15 exc boost
Avatar for alliborn
Written by   75
1 month ago

(This is my first full article written in our native language. Dedicated to all hard working Pinoys out there.)

Marami-rami na rin akong nababasa na mga post sa ibang social media tungkol sa buhay at mga pangyayari ng isang OFW. May mga post na rin ako dito dati patungkol sa experiences ko sa ibang bansa. Naisip ko na sa dawalang taon ko doon, marami pala akong kwento na pwede kong ibahagi sainyo. 

Overseas Filipino Worker (OFW) ang tawag sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa labas ng bansang Pilipinas. Overseas Contract Worker  (OCW) ang tawag sa mga ito noong dekada otsenta. 

Para sa mga taong medyo hirap ang pamumuhay, ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay ang kanilang tanging pag-asa at mag bibigay kaginhawaan sa buhay kung sakaling papalarin. 

Oo, mahirap, minsan masalimoot pero kailangan mong gawin. Dumarami na kasi ang gastusin at mga bayarin. 

Para sa pamilya. Ito madalas ang maririnig mo sa kanila. Tayo kasing mga Pilipino ay likas na mapagmahal sa pamilya kaya sila ang lagi nating inuuna.

Ganyan din ang aking nais noong ako’y binata pa. Pagkatapos ko sa apat na taong kolehiyo, sinubukan ko rin mag-apply sa mga ahensya. Makailang beses na sumubok ngunit walang napala.

Ang mga bagay-bagay ay magkakaroon ng tugma sa tamang panahon kailangan mo lang matututong maghintay.

Ang isang maliit na pamilya na nasa ibang bansa ang magulang o anak ay biglang lumalaki. Dumarami ang kamag-anak, kaibigan at kakilala. Nasubukan ko na rin yan dati. 

Dalawang buwan pa lang ako noon sa Riyadh, unti-unti dumadami ang FR ko sa FB. Kapag ina-accept mo, una mangungumusta, chika-chika, ang ending mangungutang pala. Juice colored! Hindi pinupulot dito ang pera.

Kung sa mahirap ay mahirap talaga lalo’t sobrang napakalayo ng distansya. Kahit halos konting deprensya lang ang kita kumpara sa dati kong trabaho ay pinatos ko na.

Ito na kasi yong pangarap ko rin noon at magkaroon din ng ekperyensya. Ngunit parang nasa maling panahon na yata. Dahil ako’y may sariling pamilya na at hindi na binata.

Mahirap, Masaya, malungkot, halo-halong emosyon ang mararamdaman mo. Minsan may kasama din na takot ito.

Bago kasi ako umalis sa dati kong amo ay kinausap nya ako. Halos lahat daw ng nag-aabroad ay nasisira ang pamilya. Hindi naman po lahat seguro ang sagot ko sa kanya.

Marahil ay gusto nya akong pigilan. Pitong taon kasi akong sa kanya nanilbihan. Kaso nga lang lahat yata ay may hangganan lalo na kung ang hiling mo ay hindi naman pinagbibigyan.

Para tuluyan nya akong bitawan, medyo hinaluan ko ng kadramahan. Sabi ko sa kanya, sa Malaysia lang po ako pupunta hindi nya alam sa Riyadh pala. 


6
$ 1.38
$ 1.30 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @bbghitte
$ 0.03 from @Jeaneth
Avatar for alliborn
Written by   75
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Saludo sa tibay ng mga naging OFW ❤ Benta nung dumami kaibigan 😹

$ 0.00
1 month ago

Bayanin tlaga sila ng bayan

$ 0.00
1 month ago