Join 100,427 users already on read.cash

Buhay nga naman, minsan di ko na alam.

11 24
Avatar for Zhyne06
Written by   390
4 months ago

Article 180

September 24, 2022

Buhay, buhay!

Minsan talaga may mga pagkakataon na subrang saya at gaan. Parang wala kang dapat ipag-alala kasi lahat o kung di man lahat ng gusto mo, at least di ka nahihirapan. Pero sadyang ang buhay di lahat puro sarap at hayahay lang.

Ngayong taon ay parang roller coaster ang buhay ko. Nung nakaraang taon, masasabi kong masagana kami o ako kasi may naibibigay ako at nakakapagbili ng makakain kasi nga may kita ako dito sa read.cash. Subrang laki ng utang na loob ko dito sa read gawa ng marami akong natutunan at at the same time kumita ako ng di ko akalaing kikitain ko na naging dahilan para magkabahay kami. Pero hindi pala lahat ng araw ay masaya at masagana kasi dumating ang araw na kumuti ang kita. Gayunpaman, hindi ako huminto sa pakikipagsapalaran dito at patuloy na magsulat kahit pa nga kukunti laman ang kita. Dahil nga wala ng ipon dahil sa pagpagawa ng bahay, kailangan kong kumayod para tumulong sa aking kapares ng sa ganun may makain kami. Mahirap dahil may kapatid akong nag aaral at wala akong maibigay. Wala din akong trabaho pa. Mga apat na buwan na rin na randam ko ang hirap ng aming pamilya. Mga pagsubok na dumating na di ko matantiya kung kakayanin pa ba. Nawawalan na rin ako ng pag-asa at umiiyak na lang sa tabi. Ang anak ko lang ang aking iniisip na kapag ako'y sumuko, sino na lang ang masasandalan niya kapag siya naman ang may haharapin sa buhay kaya kailangan kong maging malakas.

Ngayong araw, nakausap ko kapatid ko. Tinanong ko kasi siya bakit di pa siya nag publish sa Hive. Palagi ko siya pinapaalahanan na wag pabayaan ang Hive para naman may kita siya at magamit niya sa skwela. Pero sabi niya, pasensya daw kaso di daw maganda pakiramdam niya at palagi nasakit tiyan niya. Akala ko ulcer na naman. Sabi niya di naman daw siya nagpapalipas ng kain. Akala ko mild lang na sakit sa tiyan pero di na daw niya kaya kaya umuwi siya sa bahay. Pagkarating daw niya sa bahay eh nakita siya ni mama ko na subrang putla at nagsusuka daw kaya dinala nila sa ospital. Pagdating sa ospital, hinintay muna nila resulta ng examination. At ang resulta, kailangan daw niya operahan dahil ang appendics niya daw ay pumutok na. Di ko maintindihan yun basta appendicitis ang pagkakaalam ko. Ang sabi niya, need daw ng pera na nagkakahalaga ng 14,000 pesos. Hindi ko alam saan kami kukuha ng ganun kalaki dahil wala na ko nun. Siguro kung dati na malaki pa kita ko at may ipon, hindi ako maproblema kakaisip saan makakahiram. Walang wala din kasi kami na kahit pang kain minsa wala na pambili kaya palagi ako nag wiwithdraw ng earnings ko sa read at hive. Gustuhin ko mang makaipon gaya ng dati, hindi ko na magawa.

Sana, makahanap kami or makalikom kami ng ganung halaga para sa kapatid ko. Naaawa ako sa kapatid ko na subrang dami na ng pinagdaanan at wala man lang akong maitulong.

10
$ 1.02
$ 0.96 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Shohana
$ 0.02 from @DennMarc
+ 2
Sponsors of Zhyne06
empty
empty
empty
Avatar for Zhyne06
Written by   390
4 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Focus na laman sa silver lining maamsh. Importante ma okay ija operation. Basin d ay naa kay blessing before mag end ang year

$ 0.00
4 months ago

Appendix talaga yung parte ng katawan na wala namang silbi tapos mapapahamak pa pag pumutok. Kaya yung iba pinapatanggal na talaga yan eh. May mga agencies na pwede nyo malapitan, tyaga lang sa mga kelangan pero makakatulong din sa inyo. Sana maging okay na sya..

$ 0.00
4 months ago

Try nalang ngita ug help sa munisipyo ninyo ate kay katong naoperahan sad ako mama sa goiter nagtry mi, though wala kaayo ko kabalo jud sa info na about ato pero na zero jud amo bill. Daghan gyud naoperahan sa appendix ayy, duha ka silingan namo kaagi na ana. Fighting lang judd! 💗

$ 0.00
4 months ago

Pangit talaga bungad nang 2022 mamsh.. taghirap talaga sa lahat. Kami nga rin di makabili masarap na pag kain, hirap kasi marami kami sa bahay need malakihan budget kung gusto kumain masarap jusko. Yun ata yung kapalit nung mga na achieve natin like you nakapagawa kayo bahay..samin naman nakapagpakasal..

Sana makahanap kayo nang 14k sis . Pagdasal nyo kahit ako nga yung mga earnings ko din puro convert din haay.

Or lapit kayo sa mga Government agencies na makakatulong financially.

$ 0.00
4 months ago

Ganyan talaga buhay minsan ang unpredictable, Padayon!

$ 0.00
4 months ago

I'm sorry to hear that lods. Ganun talaga n buhay, sabi nag sa kanta gulong ng palad eh. Sana ma provide nyo yan LG need na pera para ma operahan sya

$ 0.00
4 months ago

Ha?Hala nag chat2 baya mi ganiha ni junjun kay sa nag myday man lagi siya. Haguy diyos ko ,gi duy jud ta sa panahon mao diay sakita lage daw😥 Si ate cres pud baya sauna dae kay na operahan sa apendix,unya asa si junjun?

$ 0.00
4 months ago

Tua sa ospital daan sa maasin tita. Paeta kaayo tita 😭😭😭

$ 0.00
4 months ago

Sa dongon?Dili diay free ang opera?

$ 0.00
4 months ago

Dili daw tita. 14k man giyamar 🥺

$ 0.00
4 months ago

Dool mo dswd dae ,wa pud lage kay gikan nasakit sila mama og tatay .Suwaye lang sila ate dae

$ 0.00
4 months ago