Tumawag ako sa nanay ko at nangumusta...dahil kasal ng pinsan ko sa 14...nagsidatingan yung mga kamag-anak namin from zamboanga...tanong ko.."nay..kumusta na kayo jan..ano na pinakain niyo sa mga kapatid mo?"syempre walang pera ang nanay ko kasi naghihintay lang yun sa padala ko or padala ng bro ko..sagot naman niya..."ay heto.. nangunguha kami ng mga ligaw na gulay.. noung isang araw yung "pako"...(pako ang tawag sa bisaya..diko know sa tagalog...)tapos dahon ng gabi..tapos ginataan na langka.. papaya na ginawang bihon..kamoting kahoy..kangkong at kung anu-ano pa na makikita namin sa tabi2x..😃...yung bigas ay sa bride..sa tita mo naman ang pang snack nila..pero kami ng tatay mo tagakuha ng mga gulay at isda...😃 Ganun kasi sa probinsiya namin...nasa tabi2x lang tumutubo yung mga gulay...walang may-ari maliban lang sa papaya..langka at kangkong.. pero yung kangkong talaga ang super dami sa ilog... Kayo jan..anong libreng gulay ang nakukuha niyo sa tabi2x? Gandang umaga..picture nato papunta sa baryo namin na malapit sa dagat..
4 comments
Mas masarap pa nga kainin ang mga gulay.
Yes po..lalo na pag fresh at masarap ang pagkakaluto..
Tulungan is real sa probinsya talaga. Masustansya pa ang foodams.
Super masustansiya..kahit sa tabi2x lang tumtubo...