Tumawag ako sa nanay ko..tapos binalita sa akin na nadisgrasya daw ang kuya ko habang nangingisda kagabi...nakaidlip daw sa bangka pagkatapos ihulog ang mga bingwit niya.. tapos namalayan nalang niya na nasa dagat na siya..sinubukan niyang sumakay sa bangka pero nakataob yung maliit niyang bangka kaya ang ginawa niya..sumampa nalang siya sa taas habang nakataob ito at nagsisigaw ng tulong sa gitna ng kadiliman..lamig at malayo sa dalampasigan..buti nalang at may nakarinig sa kanya at tinulungan siya.. akala pa nga na patay na siya..at yung tumulong pala sa kanya ay yung malaking bangka na bumangga sa maliit niyang bangka..hindi siguro siya nakita lalo nat maliit lang ang flashlight na nakagay sa ulo niya... Swerte parin ng kuya ko at buhay pa siya... Sabi pa nga ng nanay ko..ang kamatayan daw talaga..hindi mo alam kung kailan darating..madalas makakalimot ka sa lahat pag parating na ito...kaya hindi mo na mamalayan na katapusan muna pala... Anyway goodmorning parin sa inyong lahat dito...time here is 9.41am.... Ingat po kayo lage kung nasaan man kayo....
17 comments
Oh God, thank you kasi safe ang kuya mo
Oo nga po eh...hindi pa siguro niya panahon.. lesson learned na sa kanya na wag matulog habang nangingisda..
Katakot nmn yan. Dapat talaga marami siyang ilaw. Kamo bumili ng solar lamp at un ang dalin 3 cguro para maliwanag siya tipid pa sa battery or kuryrnye
Wala po siyang pambili..kahit mga utang nila .hindi ko matapos-tapos bayaran...😒
Ay tsuri naman. Meron ng sale sa shoppee ng mga solar lights eh. Check mo nlng for safety.
Pa check ko po sa sis ko..salamat po...
Yup
Buti na lang hindi siya iniwan ng nakabangga sa kanya.
Kaya nga po eh...buti narinig siya at hindi pa nakakalayo...
Mabuti nalang at may tumulong sa kanya.
Swerte parin po siya at narinig siya ng mga nasa taas ng bangka na nakabangga sa kanya..
Mainam naman at okay kiya mo sissy. Ang hirap sa dagat kapag di ka nakita
Super hirap po talaga lalo na kung ikaw lang mag isa..kaya yung tatay ko dati..sinasamahan ng nanay ko..
Thank God your brother is alive!!! What a terrible thing happened. Unfortunately this could happen to anyone. Let's all be more careful in this world!
Yes...he is still lucky...Alhamdullillah
Thanks God he is safe ..
Alhamdullillah po...maswerte parin siya...