read.cash Log in
@ZhianieMay

Tama ba na manatili pa ako dito sa abroad para lang mabayaran ang utang ng kuya ko?dapat ko bang pairalin ang awa ko sa kanya at pabayaan nalang ang anak ko na naghihintay sa akin sa pinas..tama ba na wala akong ipon pag-uwe ko at mapupunta lang sa kuya ko?magiging makasarili ba ako?magiging masama ba akong kapatid pag hindi ko sila tinulungan?maiintindihan kaya nila ang desisyun ko na umuwe na at hayaan nalang sila sa problema nila? Ang utang ng kuya ko is more than 100k..nabayaran kona ang more than 40k..then sa tuwing tatawag ako sa pinas..lage nababanggit ang utang ng kuya ko..lage daw pini-pressure ng pinagkakautangan..yung 5'6..kung saan ang tubo ay tumutubo pag na delay ka ng hulog.. pupunta sa bahay at iiyak Sa harap ng nanay ko..at bilang ina..iiyak din siya sa akin kasi naaawa daw siya sa kuya ko..baka daw kung ano gawin ng mga pinagkakautangan niya...at dahil ayoko nakikita ang nanay ko na umiiyak at pumapayat na dahil sa stress sa kanila..sinasabi ko na tutulong nalang ako..pero na realized ko..paano naman kami ng anak ko pag uwe ko at wala akong madalang pera..plus pa mga kapatid ko na nag-aaral pa..ako nagbabayad ng tuition ng dalawang highschool na nasa private pa..plus yung elementary at yung sis ko na may maintenance sa sakit niya..plus food nila sa bahay... Ano ba dapat ko gawin?left and right nagtetext ang sa pinas...na para bang marami akong pera...sumasakit ang ulo ko sa kakaisip...minsan iniisip ko na mawala muna sa Facebook.. pero natatakot ako na hindi updated sa nangyayari sa kanila sa pinas..baka mag-alala ang nanay ko pag hindi na ako makita or makontak...ano ba dapat ko gawin?

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.