Kinuha ko to sa kusina ng mga boss ko sa ground floor...liver ng camel...so ito ang ulam namin ng alaga ko...balak kong i adobo nalang at lagyan ng konting magic sarap..tapos lagyan kona rin ng konting tomato paste..para hindi halata na lutong pinoy ang niluluto ko baka kasi pumunta dito ang amo ko or baka may dumating na bisita eh magtaka pa kung bakit iba ang hitsura at lasa...ayaw kasi nila gumamit ng magic sarap...peke daw ang lasa...gusto nila yung mga herbs2x na yan...or natural na pampalasa...pero sana walang sumilip dito sa kusina ko... Kayo po jan..ano ulam niyo for lunch?sa Amin adobo na liver ng camel na may tomato paste...ewan ko kung ano tawag dito sa lutong to..😁
4 comments
Mahal siguro iyan diyan.
Mahal siguro...kasi kahit kambing dito is almost 2k riyals daw ang isa...
Grabe, Ang laki pala ng liver ng camel.
Malaki nga po..kasi mga almost 10 na supot yan....